HALOS hindi inaalis ni Luisa ang tingin sa asawa. Hindi rin niya halos binibitiwan ang mga kamay nito. Nakakaramdam siya ng takot na baka kapag nalingat at mawala na naman ito at hindi na makita ulit si Levi. Huminga siya ng malalim at ngumiti pagkatapos ay hinaplos ito sa noo. Nilapit niya ang mukha at magaan na ginawaran ng halik sa labi. Matapos iyon ay hiniga niya ang ulo sa dibdib nito at yumakap. “I’m so happy, Mahal. Ang buong akala ko talaga ay hindi na kita makikita. Akala ko hindi na ulit kita mahahawakan ng ganito,” malambing na sabi niya pagkatapos ay muling tumingin sa wala pa rin malay na asawa. “Puwede ka nang gumising, nandito na ako. Tapos na ang paghihintay mo. Excited na ako magsimula tayo ng buhay na magkasama. I miss you so much, mahal. Please wake up now.” Ilang

