Chapter 49

3149 Words

“BIGLAAN yata ang pag-alis mo,” sabi ng mabait na landlord ni Luisa. “Oo nga po eh, mahaba pong kuwento eh.” Tumingin ito sa kanyang bandang likuran kung saan nakatayo si Levi at naghihintay. “Siya ba ang lalaking kinuwento mo sa akin noon?” Ngumiti si Luisa at tumango. “Siya nga po.” Bumuntong-hininga ang may edad na babae at ngumiti rin sa kanya. “Tignan mo nga naman ang tadhana, sa haba ng panahon na pinagtaguan mo siya at nabuhay ng malayo, sa huli sa kanya pa rin ang bagsak mo.” “Oo nga po, parang noong magkita kami doon sa pinapasukan ko na restaurant. Naisip ko, siguro ang Diyos na rin po ang gumawa ng paraan para magkita kami. Hindi na po ako nakipagtalo pa sa Kanya. Tinanggap ko na lang.” “Mahal mo pa rin ba?” “Opo. Sobra. Walang nagbago.” Hinawakan nito ang ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD