ALAS-DOSE ng hatinggabi. Dahil day off ni Tere, si Luisa ang nagbantay kay Levi buong araw. Napalingon siya sa bintana nang gumapang ang liwanag mula sa kidlat kasunod ng malakas na tunog niyon. Matapos iyon ay malakas ang pagbuhos ng ulan kaya sinarado niya ang kurtina. Napangiti si Luisa nang maalala ang nakaraan. Noong may amnesia siya at una niyang nakita si Levi sa kalagitnaan din ng gabi at sa ilalim ng ulan. Mayamaya ay lumingon siya kay Levi. Parang kailan lamang nang malaman niya na ang nakasama niya sa Santa Catalina ay isang kaluluwa. Ngayon heto na si Levi sa kanyang harapan. Buhay at humihinga. At ang tanging kulang na lang ay imulat nito ang mga mata. Nang lumapit siya sa kama ay sumampa siya doon at sumiksik sa tabi ni Levi. Yumakap siya sa beywang nito saka pinikit ang mg

