“GUSTO kong tumayo at maglakad,” sabi ni Levi. “Kaya mo na ba?” nag-aalalang tanong ni Luisa. “Kaya ko,” determinadong sagot nito. Dahil sa isang taon pagkaka-coma ay hindi naiwasan na nanginig ang mga binti ni Levi nang subukan nitong ibaba ang mga paa sa kama. Inalalayan ito ni Luisa. Kahit nahihirapan dahil sa nanlalambot at nanginginig na mga tuhod ay nilabanan iyon ni Levi at pilit na naglakad mula sa kama hanggang doon sa sofa kung saan naroon ang bintana. Ilang hakbang lamang iyon pero parang napakalayo na ng kanilang nilakad. Humihingal at nahahapo na naupo si Levi sa sofa. “Okay ka lang?” tanong pa niya. “Yes, I’m okay. I have to be. Paano kita mapoprotektahan laban sa mag-ina na ‘yon kung hindi ko magagawa ang simpleng paglalakad,” nangingilid ang luha sa mga mata na sagot n

