“MAHAL, huwag mo kakalimutan ‘yong appointment natin sa doctor bukas ng alas-nuwebe ng umaga ha?” paalala ni Luisa sa asawa habang nasa banyo siya at ginagawa ang kanyang skin care routine. “Yes. Nakaalarm na ako ng eight,” sagot nito. Tapos na itong mag-shower at nauna na sa kanya sa kama. “After ng doctor’s appointment natin, kailangan natin dumiretso sa penthouse para makita kung ano pa sa gamit natin ang nandoon.” “Okay.” “Plano ko rin nga pala palitan na ‘yong ibang furnitures dito pati ‘yong ibang appliances. Karamihan dito puro mga bili ni Marga, ayokong makakita dito ng kahit anong puwedeng magpaalala sa kanya.” “Sure mahal, ikaw ang bahala.” Matapos iyon ay lumabas na siya mula sa banyo at naabutan si Levi na may binabasa. Nang maupo sa bandang paanan ng side nito ng kam

