MATAPOS maghain ng kumpletong salaysay ni Levi at Luisa. Nagsilbing witness naman nila si Ian laban sa sariling ina. Ang mga ebidensiyang nakolekta nila ay tuluyan nang nagamit para mas mapabigat pa ang kaso laban kay Marga. Mula doon sa mansion matapos damputin ng mga pulis si Marga ay sumunod silang mag-asawa sa presinto. Matapos ipakita sa babae ang mga ebidensya laban dito, tuluyan na itong nasukol at napilitan umamin sa mga kasalanan. Mula sa ginawa nitong pagpatay sa kanilang mga ama, sa pagtangka nito sa buhay nilang mag-asawa, hanggang sa pagtangka nitong nakawin ang pinamana sa kanila ni Don Ernesto. Inabot din sila ng madaling araw sa presinto bago tuluyan umuwi. “Kumusta na si Dexter?” tanong ni Luisa kay Ian. Malungkot itong ngumiti at nangilid ang luha sa mga mata na umi

