MAGKAUSAP lang sila ni Levi sa chat kanina habang nakahiga siya sa kama nang hindi namalayan ni Luisa na unti-unti na pala siyang nakatulog. Bandang alas-diyes ng gabi, bigla siyang naalimpungatan nang magising sa malakas na kulog at kidlat at buhos ng ulan. Napabalikwas siya ng bangon nang biglang maalala si Levi. Pagbukas ng chat box ay marami na itong mensahe at missed calls. Nag-aalala na ito sa kanya tiyak kaya agad siyang tumawag. “Oh, thank God,” bungad nito pagsagot ng tawag niya sabay buntong-hininga. “Anong nangyari sa’yo?” “Sorry, nakatulog ako.” “I told you to keep awake, paano kung dumating sila nang—” “Sandali,” awat ni Luisa sa asawa. Hindi siya nagsalita at nakiramdam. Mula sa labas ng silid ay narinig niya ang mabigat na yabag na tila palapit doon sa kuwartong tinut

