ISANG malalim na hininga ang hinugot ni Luisa nang huminto ang taxi sa tapat ng malaking gate ng mansion. Ang bahay na naging saksi sa pagbuo ng pagmamahalan nilang dalawa ni Levi. Nang lumingon ay agad dumagsa ang mga alaala niya sa bahay na iyon. Ilang sandali pa ang hinintay ni Luisa bago nakapag-desisyon. Bago bumaba ang inabot niya ang bayad sa taxi driver. Tumayo siya sa tapat ng gate at pinagmasdan ang mansion na unti-unti nang niluluma ng panahon. Muli ay huminga siya ng malalim, pilit na tinataboy ang kaba sa kanyang dibdib sa mga sandaling iyon. Walang nakakaalam sa mga mangyayari sa susunod na oras, pero nananalig si Luisa na umayon ang mangyayari sa kanilang plano. Dahil iyon lang ang nakikita niyang paraan para matapos ang gulo na iyon sa kanilang buhay. Bago lumapit sa gate

