SA paglipas ng mga araw, unti-unting bumalik ang dating lakas ni Levi. Sa loob lamang ng maikling panahon ay unti-unti na rin bumabalik ang dati niyang pangangatawan. His wife, Luisa, always made sure that he eats the freshest and healthiest food. Bukod pa doon ang iniinom niyang mga gamot at vitamins na tumutulong sa kanyang mabilis na pag-recover. Kapag walang therapy session ay nagbababad siya doon sa gym dalawang tig-tatlong oras kada araw. Sa umaga naman ay gigising siya ng maaga para mag-jogging sa tabing dagat. Mula nang magkamalay, hanggang sa mga sandaling ito na gumaling na si Levi ng tuluyan. Luisa stayed beside him and supported him. God has been very gracious to him. Marahil alam ng Panginoon na si Luisa ang kailangan niya sa buhay kaya pinaglayo man sila ng kasakiman ni Marg

