"KUMUSTA ka naman?" tanong sa kanya ni Lydia. Isang ngiting umabot sa mga mata ang sinagot ni Luisa sa kaibigan. "Never been this happy." Huminga ng malalim ito at sumandal sa kitchen counter. "Alam mo mula nang magkakilala tayo, dalawang beses ko nang nakita na ganyan ka kasaya. At iyong dalawang beses na iyon ay parehong tungkol kay Levi." "Dahil siya lang naman ang nakakapagpasaya sa akin. We've been together most of our lives, at masasabi ko na sa kanya na umiikot ang mundo ko." "At masaya ako na makita kang ganyan. Halata rin naman na mahal na mahal ka niya." Hindi pa rin nawawala ang ngiti na tumango siya. "Noon pa man, palagi nang sinisiguro ni Levi na naipaparamdam niya sa akin 'yon." "Basta kung may kailangan kayo, sabihin n'yo lang, kumatok lang kayo sa kuwarto ko," sabi n

