
Sabi nila bilingan ko lang daw ang mga bituin sa kalangitan at magtuturo ito sa taong nakakatadhana sa akin. I am hopeless romantic. I believe in destiny. Balang araw makikita ko ang prince charming ko at mamahalin ako gaya ng pagmamahal na meron sila mama at papa.
Alas! Nakita ko na nga ang matagal ko nang hinihintay . Natagpuan ko ang taong nagpapatibok ng puso ko. Kay sayang isipin. Wala na atang pagsidlan ng aking tuwa ngunit biglang nawasak ang aking puso pagkat di ako ang nilalaman ng isip at puso nya.
Pilit kong kinalimutan ang kanyang maamong mukha at makikislap niyang mata. Nagpakalayo ako para di madarang ulit sa nadarama. Ngunit nag cross na naman ang aming landas.
