Chapter 11

1062 Words
Dalawang araw hindi nakauwi ng bahay nila si Juan Miguel kaya nag-aalala na sa kanya si Mika. Palagi na lang itong nakabantay sa pintuan upang salubong si Juan Miguel kapag naaninag niya ito. Subalit bigo pa rin ito. “Iha, wag kang mag-alala. Uuwi rin si Manuel!” malungkot na wika ni Nay Erma kay Mika at hinawakan siya nito sa balikat. “Alam niyo po, Nay Erma! Sa dalawang linggo po na pamamaligo ko dito sainyo, hindi po ako sanay na wala si Manuel.” Sagot nito at bumuntong hininga. “Uuwi rin siya! Kaya wag ka nang malungkot.” usal ng ginang sa dalaga at pilit siya nitong nginitian. Pero sa loob niya ay nag-aalala na rin siya sa anak na si Manuel. Tatalikod na sana si Mika para bumalik sa silid nila ng binata nang makarinig itong dagungdong ng isang motorsiklo at huminto sa harapan ng kanilang karenderia. Kaagad niya itong sinilip kung sino ang pumarada sa tapat ng kanilang karenderia. Tumambad sa kanya ang isang lalaking nakasuot ng itim na v-neck na t-shirt at nakasuot na itim na pantalon. Naka-close ang itim na helmet nito kaya hindi niya ito makilala. Lalong lumabas ang kakisigan ng katawan ng binata dahil sa kanyang suot. “S-sino, po sila?” tanong ni Mika sa estrangherong dumating. Tinanggal na nag binata ang kanyang helmet kaya nanlaki ang mata ni Mika sa nakita. “M-Manuel?” gulat nitong anas sa binata. Ngunit ngiti lang ang isinukli nito sa kanya. “Ikaw nga, Manuel!” masayang tugon nito at tinakbo ng yakap ang binata. Nagulat naman ang binata sa inasta ng dalaga. Kaya sinuklian na lang din niya ito ng yakap. “Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang nag-alala ako sayo?” nakanguso nitong aniya sa binata. “Pasensya ka na, Mika. Nagka-emergency lang sa opisina kaya hindi ako nakauwi ng dalawang araw,” paliwanag nito. Hindi nito sinabi ang totoo sa dalaga. Samantala habang naglalakad pauwi ang tatay ni Juan Miguel ay napansin nito ang nakaparking na ducating motorsiklo sa tapat ng kanilang karenderia. Nakita rin nito ang nakatalikod na lalaki na nakaangkas sa motor habang kausap si Mika. “Abay, kagandang motorsiklo ang nakaparada sa tapat ng bahay ah!” bulong nito habang papalit sa dalawa. Paglapit nito ay sinilip-silip nito ang motor at inikot-ikutan. Nagulat naman ang dalawa dahil sa ginagawa ng Tatay Pedro ng binata kaya sabay silang napatakip ng bibig. “Abay, kaganda talaga ng motor na to ha!” muling bulong nito habang sa motor pa rin ito nakatingin. Biglang lumabas ng bahay si Nanay Erma. Napasigaw ito ng makita ang binata. “Anak! Ikaw, ba yan?” at tinakbo ng yakap ang anak dahil sa tuwa. Nagulat naman ang asawa nitong si Pedro sa pag banggit ng pangalan ng anak nila. At nakita nito na yakap-yakap ang lalaki na nakasakay sa motorsiklo. “Nay, dahan-dahan lang po. Baka madapa kayo!” nakangiting sabi nito sa ina at tinugunan niya din ito ng yakap. Natulala naman ang tatay ng mapagtanto kung sino ang nakaangkas sa napakagandang motorsiklo. Kaya dahan-dahan itong lumapit sa binata at tinitigan ng husto. “Ikaw, nga anak!” at niyakap niya rin ang binata. Binatukan naman ni Nay Erma ang asawa. “Kanina ka pa pasilip-silip diyan, hindi mo nakilala ang anak natin!” pagtatampo nitong aniya sa asawa. Nagsitawanan naman sina Mika at Juan Miguel sa reaksyon ng kanyang mga magulang. “Kasi, mahal! Ang ganda ng sasakyan na dala ng anak mo eh! Kaya hindi ko siya napansin,” paliwanag nito sa asawa. “Ay, oo nga ano?” pagtataka rin na sagot nito. “Ang pagkakaalam ko sa ganyan mahigit isang milyon ang halaga niyan!” anas din nito sa binata. “Isang, milyon!” muling sambit nito at nanlaki ang mata nitong napatingin sa asawa. Sabay itong napalapit sa binata at tinanong kung kanino ang motorsiklo na dala niya. Nagulat naman sina Mika at Miguel sa dalawa kaya napagalpak ito ng tawa ng sabay. “Bakit, nay? Maganda po ba? Bagay ba sa’kin?” bulalas nito at saka kumindat sa dalawa. “Oo, anak! Maganda nga pero sayo ba yan? Ang mahal nang motorsiklo na ‘yan ha!” anas naman ng ina nito. “Opo, nay! Sa’kin ang motor na to! Nagloan ako sa bangko para may magamit akong sasakyan!” pagsisinungaling nito. “Talaga, anak? Pwede ko ‘bang matisting yan, anak?” hiling naman ng kanyang ama. Bumaba ito at ibinigay ang susi sa ama. Dali-dali rin itong umangkas sa motorsiklo at pinaandar. “Tara na sa loob at doon na lang tayo magkwentuhan.” basag naman ni Mika na kanina pa natutuwa sa kanilang pamilya. Kinaumagahan ay maagang umalis ang binata para pumasok sa opisina. Nagulat naman ang grupo ni Lito pagkakita nito kay Juan Miguel na nakasakay sa mamahaling motorsiklo. “Tingnan niyo, sir?” kalabit ng isang pulis kay Lito. “Dalawang araw lang hindi pumasok nagkaroon na agad ng motorsiklo na mamahalin,” anas nito habang nakatingin sa binata na naglalakad na papasok ng prisento. Napatiim bagang naman si Lito at nakaramdam ng inggit kay Juan Miguel. Dahil sa korsyonidad ay dali-dali itong nagtungo sa deriksyon ng binata at hinarang habang pangisi-ngisi pa ito ng mapait. “Dalawang araw ka lang nawala may ganyan ka nang kagandang ducati? Sino ka ba talaga, Manuel Ramos?” nakatiim bagang nitong anas sa binata habang matalim na nakatitig sa kanya. Pinasadahan din ito ng tingin ng binata at lumapit ng bahagya sa dalawang pulis ng nasa harapan niya. “Tinatanong mo, kung sino ako?” bulong nito kay Lito. “Ako ang tatapos sa mga tao na perwesyo sa lipunan?!” madiing sambit niya dito habang nagngingit-ngit ang ngipin at saka nakakuyom ang isang kamao. Nanlaki naman ang mata ni Lito Ortega sa sinabi ni Miguel sa kanya. Ngunit tila hindi ito nakagalaw kaya nilagpasan na ito ng binata. Nangmatauhan si Lito ay biglang nang-init ang dugo nito. “Ang yabang mo ha!” napataas ang boses nitong anas kay Miguel at hahabulin ng suntok ang binata. Ngunit naawat ito ng iba pang mga kapulisan kaya hindi na ito nakalapit pa. Mapait naman na nakangisi ang binata sa kanyang ginawa. “Sige, lang! Magalit ka! Palabasin mo sa lungga niya ang demonyo mong amo!” bulong nito habang pangisi-ngisi pa ng mapait. Paupo na sana ng kanyang upuan ang binata ng lumapit ang isa nito kasamahang pulis. “Sir, pinapatawag kayo ni Major Carpio!” sambit nito. Kaya umakyat ito sa ikalawang palapag ng prisento at tinungo ang opisan ng heneral. Kumatok muna ito bago pumasok at saka sinaluduhan nito ang heneral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD