Chapter 12

1035 Words
“Isarado mo ng mabuti ang pinto, Ramos may pag uusapan tayo,” anito nito sa kanya. Tinanguan niya lang ito saka sinarado ang pintuan. “Bakit niyo ako pinatawag Major?” nagtatakang tanong nito. “Ikaw pala ang nawawalang anak ng mag-asawang Jackson,” paunang bungad nito. Kaya nanlaki ang mata ng binata at hindi agad nakapagsalita. “Wag kang mag-alala. Tauhan ako ng Angkel Ninong mo! Kaya mapapagkatiwalaan mo ako,” muling anas nito. “Kung ganon, matutulungan niyo akong makahanap ng matibay na ibedensya upang mapagbayad ang mga Sebastian!” madiing wika niya dito. Kumuha muna ito ng dalawang kupita at nilagyan ng wisky saka inabot ang isang kupita sa kanya bago ito nagsalita. “Sampong taon na akong nakadistino sa lugar na ito, ngunit ni isang ibedensya na makakapagturo sa mga Sebastian sa pagkamatay ng mga magulang mo ay wala akong nakita.” Mahabang lintiya nito saka tumungga ng alak. Napatiim bagang naman ang binata sa narinig. “Talagang matinik ang Carlos Sebastian na’yan!” madiing wika nito at napakuyom ulit ang kamao. “Sa sampong taon ko dito, wala akong ibang trabaho kung hindi makakuha ng makakapagturo sa pumatay sa mga magulang mo. Pero sadyang matinik talaga ang Carlos na’yan! Ngayon nandito kana alam ko makukuha mo ang hustisya na hinahanap mo,” dagdag pa nito saka lumapit sa kanya at tinapik-tapik ang kanyang balikat. “Ano man ang magiging disisyon mo susupurtahan kita. Matanda na ako, ngunit bago ako mag ritero ay makagawa lamang ako ng tama.” usal pa nito. Samantala sa mansion ng mga Sebastian. Galit na galit si Carlos sa kanyang mga tauhan dahil wala ni isa sa kanyang mga tauhan ang nakatuklas kung sino ang kumakalaban sa kanya. “Mga, inutil…” bulyaw nito sa kanyang mga tauhan. “Kapag hindi niyo pa mahanap kung sino ang kumakalaban sa’kin. Wag na wag na kayong magpapakita! Dahil baka kung ano pang magawa ko sainyo?!” usal pa nito at saka bumunot ng baril at itinutok sa isang tauhan saka pinadaplisan ng putok. Nalalaki naman ang mga mata ng kanyang mga tauhan dahil sa takot sa kanya. “Opo, boss!” sabay-sabay nilang sagot habang nanginginig na sa takot. Lalong lalo na yung lalaking pinadaplisan niya ng bala. Kaya naihi ito sa short. Sabay-sabay nagsilabasan ng mansion ang kanyang mga tauhan dala ang takot sa amo na si Carlos Sebastian. Pababa ng hagdan si Donya Teresa ng magulantang ito sa isang putok ng baril. Kaya nagmamadali itong bumaba ng hagdan. Ngunit pagdating niya ay wala na ang mga tauhan nito at naabutan ang asawang pabalik-balik ng lakad habang nakahawak sa kanyang ulo. Sinipa rin nito ang maliit na table na nasa harap niya kaya tumalsik ito. “Bakit mainit na naman ang ulo mo, Carlos?” nakataas ang kilay nitong aniya sa asawa. “Pa’no hindi mag iinit ang ulo ko! Ni hindi pa nila nahahanap ang tumatraydor sa’tin!” madilim na mukha nitong sagot sa asawa. “Kung ganon, hindi pa natin alam hanggang ngayon kung sino ang kalaban natin?” nanlalaking mata na tanong din nito sa asawa. Lalong nagwala sa galit si Carlos Sebastian dahil sa sinabi ng asawa. Nanlilisik ang mata nitong humarap sa glass wall ng kanilang mansion. Nakatanaw ito sa labas ng kanilang swimming poll habang nakakubli ang isang kamay at nagngingit-ngit ang panga sa galit. “Mahahanap ko rin sila! At kapag nangyari ‘yun, hindi na sila sisikatan ng araw!” madiing sambit nito at kumuha ng kupita at saka nilagyan ng wine saka tumunga. “Siguraduhin mo lang, Carlos! Dahil unti-unti na tayong iniiwan ng ating mga investor.” usal pa nito sa asawa. Pabagsak na ibinaba ni Carlos ang kupita sa table. Nanlaki ang mata ni Donya Teresa dahil sa pagkabigla. Hindi pa nakuntinto si Carlos, kasabay ng malakas na sigaw na umalingaw-ngaw sa kabuuhan ng mansion ay ang pagbato rin nito ng kupita sa dingding na lalong ikinagulat ng asawa. “Ano ba, Carlos?! Sisirain mo ba ang bahay natin?” bulyaw nito sa asawa. Ngunit isang malakas na sigaw pa ang pinakawalan nito. Habang nanlilisik pa rin ang mata. “Siya nga pala, hindi pa umuuwi ang anak mo? Magdadalawang linggo na!” basag nito sa asawa. Natigilan naman ito at napatingin ng masama kay Teresa. “Ano?” gulat nitong tanong. “Ang sabi ko, hindi pa umuuwi si Mika?” muling ulit nito. Kaya lalong nadagdagan ang galit ni Carlos sa sinabi ng asawa. Lumapit ito sa kanya habang nanlilisik pa rin ang mata. Bahagya naman napaatras si Teresa. Ngayon niya lang nakita na nagalit ang asawa niya ng ganito. “Hanapin mo ang anak ko at ibalik mo siya dito sa bahay! Dahil hindi mo magugustuhan kapag napahamak ang anak ko ng dahil sayo?!” banta nito habang pisil-pisil nito sa baba ang asawa. Nanlaki ulit ang mata nito kasabay ang pagbuhos ng luha nito. Hindi ito nakasagot sa asawa. Naiwan na lang ito na nagtataka pa rin sa biglaang pagbabago ni Carlos. “Ngayon lang kita nakita na nagalit ng ganyan, Carlos!” bulong nito habang natutulala pa rin. Kinuha nito ang cellphone at tinawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. “Hello! Hanapin mo ang anak ko, at iuwi mu siya dito!” bulyaw nito at kaagad na binaba ang tawag. Samanta nasa palengke naman ng mga oras na iyon si Mika dahil inutusan ito ni Nanay Erma na bumili ng karne para sa kanilang paninda sa karenderia nang hawakan ng dalawang lalaki ang kanyang magkabilang braso at sapilitang isakay sa kotse. “Bitawan niyo ako!” bulyaw nito sa mga lalaki habang nagpupumiglas. “Hindi ako sasama sainyo!” muling usal nito. “Pasensya na po kayo, Seniorita Mika! Napag utusan lang po kami ni Donya Teresa!” sagot rin ng lalaki habang panay ang iwas sa bawat hampas sa kanya ni Mika. “Hindi nga ako sasama! Pakawalan niyo ako! Tu—‘’ sisigaw pa sana ito nang takpan kaagad ng panyo ang ilong nito kaya mabilis itong nawalan ng malay. Kaagad namang pinaharurot ng driver ang kotse. Nagising na lang ito na nasa loob na siya ng kanyang silid. “Aray, ang sakit ng ulo ko!” bulong nito habang nakahawak sa kanyang ulo at napapangiwi pa. Naalala nito na kinuha pala siya ng mga tauhan ng kanyang ina kaya nagmamadali itong bumangon kahit pasuray-suray pa at tinungo ang pinto saka pinihit ang siradura. Ngunit nanlaki ang mata nito nang hindi niya ito mabuksan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD