“Buksan, niyo ‘to!” sigaw ni Mika habang pilit binubuksan ang pinto. “Pakiusap, buksan niyo to!” muling singhal nito habang nagsisimula nang mangulap ang kanyang mga luha sa mata. “Mom, bakit niyo ba ‘to ginagawa sa’kin?!” at napahagulhol na ito ng iyak. Napasabunot na lang ito sa kanyang buhok habang tuloy pa rin ang paghikbi nito.
Samantala kausap naman ni Donya Teresa ang kanyang mga tauhan.
“Donya Teresa, naroon na po sa kanyang silid si Ma’am Mika.” Anito nang isang tauhan na kumuha sa dalaga.
“Magaling, sige na! At pupuntahan ko muna ang anak ko!” taas kilay nitong wika sa kanyang mga tauhan.
“Sige po, Donya Teresa!” sabay na anito ng dalawa at saka tumalikod sa donya.
Nagsimula na itong tumayo at naglakad patungo sa silid ng anak. Dinig na dinig nito ang pagkatok at paghagulhol ng anak. Kaya kaagad nitong pinihit ang siradura ng pinto. Bimulaga sa kanyang harapan ang anak na nakatayo sa kanyang harapan na namumugto na ang mata.
“Mom, bakit niyo ako kailangan ikulong at sapilitang ipadukot!” singahal nito sa ina habang tuloy pa din ang pag agus ng luha nito.
Pumasok muna si Donya Teresa at saka sinarado ang pinto.
“Kung hindi pa kita pinahanap sa mga tauhan ko! Hindi mo pa maiisipang umuwi!” anas nito sa dalaga.
“Sino ba naman kasi ang magkakagusto na tumira sa pamamahay na’to?! Wala na akong ginawang tama para sainyo!” bulyaw nito sa ina. Na ikinagalit ng donya.
“Bakit, Mika?! Sa tingin mo ba para sa amin lahat ng ‘to, ha! Para sayo ito! Kaya wag kang umasta na parang alam mo na lahat kung anu ang makakabuti para sayo at sa pamilya na’to!” bulyaw rin nito sa anak. Kaya nanlalaki lalo ang mata ng dalaga.
“Ano bang pinagmamalaki niyo, ha! Itong yaman na ninakaw niyo?! Yun ba?! Itong, yama…” hindi natapos pa ni Mika ang sasabihin dahil isang malutong na sampal ang pinakawalan sa kanya ng kanyang ina.
Nagulat naman si Mika sa ginawa ng ina nito kaya hindi ito agad nakapagsalita at nanlaki na lang mata nito habang sapo sapo ang kanyang pisnge.
“Sa susunod na marinig ko pa yan sayo! Hindi lang yan ang aabutin mo!” madiing banta nito sa anak habang hawak niya ito sa baba.
Sa kabila ng tensyon ng mag inang Teresa at Mika ay nakarinig sila ng isang tinig ng isang lalaki. Kaya sabay silang napatingin sa pinangyarihan ng tinig na nagmumula sa pintuan.
“Dad!”
“Anong nangyayari dito? Malayo pa nga ako dinig na dinig ko na ang mga boses niyo!” anas nito sa dalawa habang salubong ang kilay nitong nakatitig sa kanila.
Napayuko naman si Mika at saka tumalikod pagkatapos naupo sa kanyang kama. Masama rin kasi ang loob nito sa ama dahil sa ginawang pagpaslang nito sa totoong may-ari ng kanilang hacienda. Kaya sa tuwing nakikita nito ang ama ay hindi nito maiwasang maalala ang mapait na nasaksihan niya noong labing dalawang taong gulang pa lamang siya.
“Ang sabi ko, anong nangyayari dito? Bakit kayo nagsisigawan?” napataas na ang boses nito sa dalawa.
Kaya napatingin si Teresa sa anak na nakaupo at walang kibo.
“Wala ito sweety, meron lang akong pinapaliwanag sa anak mo!” pagsisinungaling nito.
“Totoo ba ‘yun, Mika?” tanong ng ama nito habang nakatingin sa dalaga.
“Yes, dad!” tipid nitong aniya.
See, sweety! Kaya wag mo na lang kaming pansinin,” aniya nito sa asawa at pilit niya itong nginitian. Ngunit bawat tapon niya ng tingin sa dalaga ay nilalakihan niya ito ng mata.
Samantala habang namumuo pa rin ang tensyon sa kanilang tatlo ay bigla na naman itong nabasag ng isang babae.
“Don Carlos. Donya Teresa. Ma’am Mika! Ready na po ang food sa baba,” basag nito sa tatlo.
“Sige na, Inday! Susunod na kami!” taas kilay nitong anas sa katulong.
“Let’s go, sweety!” at niyapos nito ang asawa sa braso. Saka binalingan ng tingin ang dalaga. “Mag-ayos kana, at sumunod ka sa’min sa baba!” madiing sabi nito sa dalaga saka tuluyang lumabas ng silid.
Naiwan naman si Mika sa loob habang masama ang loob sa kanyang mga magulang. Nagsimula na naman tumulo ang mga luha nito.
“Hanggang kaylan ako magtitiis dito! Hanggang kaylan!” muling anas nito at saka isinubsob ang kamay sa kanyang mukha. Habang panay ang paghikbi na ginagawa nito, ay bigla nitong naalala si Nay Erma. Inutusan pala siya nitong mamalengke, pero hindi na ito nakabalik pa sa bahay nila. Nagmamadali nitong kinuha ang kanyang cellphone at saka tinawagan si Nay Erma. Sinabi nito na nagka-emergency sa kanila kaya hindi muna ito makakabalik sa bahay nila. Mabilis naman naniwala ang ginang sa kanya kaya nawala ang pag aalala nito. Mabilis nitong inayos ang sarili at saka bumaba. Nadatnan nito na kumakain ang kanyang mga magulang.
“Maupo kana, anak!” nakangiting aya sa kanya ng kanyang ama.
Kaya hinila nito ang isang silya at dahan dahang umupo. Kaagad naman itong sinalinan ng pagkain ng isa sa kanilang mga tagapagsilbi.
“Kumain ka ng marami ha! Mukhang nangayayat ka! Saan ka ba kasi pumunta?” kunot noong tanong sa kanya ng kanyang ama.
Pilit nitong nginitian ang ama at saka sinagot.
“Galing lang po ako sa isang kaibigan, dad!” sagot nito habang hinihiwa ang kapirasong hamon at saka sumubo.
“Hmm, sinong kaibigan?” pagtatakang tanong ng kanyang ama habang umiinom ng juice. “Hindi mo naman sinabi na may malapit ka palang kaibigan. Pwede ko ba siyang makilala at mapasalamatan man lang dahil sa pag asikaso niya sayo?” nakangiting anito nito sa kanya.
Tiningnan muna nito ang ina na panay ang subo ng pagkain bago ito nagsalita.
“Opo, dad! Ipapakilala ko po siya sainyo,” sagot rin nito habang pilit ang ngiti sa ama.
Ngumiti ito habang patango-tango pa.
“Sige na, kumain kana!”
“Yes, dad!” tipid nitong aniya.
“I’m, done!” basag naman ng kanyang ina at saka tumayo. “Mauuna na ako, may aasikasuhin pa ako,” dagdag pa nito bago tumalikod at saka iniwan sila sa hapag kainan.
Hinabol na lang nila ng tingin ang papaalis na donya.
Samantala malungkot naman si Juan Miguel dahil wala si Mika nang umuwi ito sa bahay nila. Tila hindi na ito sanay na walang Mika na sasalubong sa kanya kapag umuuwi siya galing trabaho. Napako ang tingin nito sa kanyang kama at bahagya itong natulala. Naaninag nito na nakaupo si Mika sa kama habang nakangiti itong nakatingin sa kanya. Kaya lalo itong nalungkot. Nahagip ng kanyang mata ang unan ng dalaga. Kinuha niya ito at pinatong sa kanyang kandungan. Napangiti muli ito nang maalala nito noong una niyang dinala si Mika sa kanyang silid. At ang unan na hawak niya ay ang unan na hinampas hampas sa kanya ni Mika. Hindi nito mapigilang hindi mapangiti sa tuwing naalala niya ang mga iyon.
Subalit sa kabila ng kanyang kanyang katahimikan ay bigla ito nagulat dahil sa tunog ng kanyang cellphone. Napatingin ito sa deriksyon ng tunog at nagmamadali nitong dinampot ang kanyang cellphone saka tiningnan kung sino ang tumawag. Ang kanyang angkel ninong.