Chapter 14

1106 Words
“Angkel, napatawag kayo?” bungad agad nito. “Pumunta ka dito, iho. May pupuntahan tayo!” seryosong sagot nito sa kabilang linya. Ang kanina lamang na mukha ng binata na nakangiti ay biglang napalitan ng mukhang seryoso habang nagngitngit ang panga. “Copy, angkel! Wait a minute, l’ll be there!” seryoso aniya nito at saka kinuha ang itim na jacket saka isinoot. Nagmamadali itong bumaba saka dinampot ang kanyang helmet na nakasabit sa dingding ng kanilang sala. Mabilis nitong inangkasan ang kanyang ducati at pinaharurot ng takbo. Samanatala, papasok sana sa kanyang silid ang kanyang ina pero nakita nitong nagmamadaling lumabas si Juan Miguel ng kanyang silid. Tinatawag niya ito pero hindi siya nito marinig kaya sinundan niya na lang ito pababa. Pero sadyang malalaki talaga ang hakbang ng anak kaya hindi niya ito nahabol pa. Nakita na lang nito na mabilis pinaharurot ng kanyang anak ang motorsiklo nito. Kaya hinabol niya na lang ito ng tingin habang nakatayo sa pintuan ng kanilang bahay. “Hmm, saan naman kaya ‘yon pupunta?” pagtatakang tanong nito sa sarili. “Dyes-oras na ng gabi ha!” muling usal nito. Palabas rin ng kanilang silid ang asawa nitong si Pedro para kumuha ng tubig dahil nauhaw ito. Pahikab-hikab pa ito habang naniningkit pa ang mata dahil bigla itong nagising. Nahagip ng mata nito ang asawa na nakatayo sa labas ng pintuan habang nakatanaw sa kawalan. Kaya namulagat bigla ang mata nito at nilapitan ang asawa. “Mahal, gabi na ha! Bakit nandiyan kapa sa labas?” pagtatakang tanong nito. “Papasok na sana ako mahal sa silid ng anak natin para kumustahin siya. Pero nakita ko na nagmamadali siya kaya hinabol ko. Subalit hindi ko na siya naabutan dahil mabilis nitong pinaharurot ang kanyang sasakyan.” paliwanag nito sa asawa. “Baka naman nagka-emergency lang sa prisento, mahal!” sagot naman nito habang pahikab-hikab pa. “Iwan ko, mahal. Parang maykakaiba sa anak natin, nararamdaman ko!” aniya nito sa asawa na maypagtataka. “Wag ka ngang mag isip ng ganyan, mahal. Baka naman talaga dahil sa trabaho ‘yun!” pagkukumbinsi rin nito sa asawa na bakas pa rin ang pagtataka sa kanyang mukha. “Hindi mahal, eh! Kilala ko ang anak natin! Eh, tayo ang nagpalaki diyan hindi ba? Ngayon ko lang nakita ang kanyang mukha na tila ba papatay ng isang tao. Ngayon lang mahal! Ang mga mata niya’y tila maygalit na naipon. Ang kanyang kamao na nakakuyom ay para bang mayrong isang tao na gusto nitong balikan. Ang kilos nito na tila hindi magpapapigil kahit sino pa ang humarang. Kinikilabutan ako mahal? Kilala ko pa ba nag anak natin?” mahabang lintiya nito habang pilit nitong pinipigilan ang kanyang luha. “Pwede ba, mahal. Wag kang mag isip ng ganyan. Syempre kilala natin ang anak natin! Nakalimutan muna ba? Tayo ang nagpalaki diyan! Naging mabuting magulang tayo sa kanya. At siya din naman naging mabuting anak. Ni hindi niya tayo binigyan ng problema kahit kaylan! Hindi ba?” seryosong anas din ni Mang Pedro sa asawa. At tinapik tapik niya ito sa balikat. “Sana nga, mahal! Sana nga siya pa rin ang Manuel na pinalaki natin!” kunot noo nitong tingin sa asawa at napayakap siya dito. “Hmm, tama na nga yan! Mabuti pa matulog na tayo!” at sinimulan na nitong akayin ang asawa paakyat at saka pumasok sa kanilang silid. Samantala mabilis na nakarating si Juan Miguel sa mansion ng kanyang angkel ninong. Kaagad itong lumapit at saka niyakap tanda ng paggalang nito. “Bakit niyo po ako pinatawag, angkel?” seryosong tanong nito. “May pupuntahan tayo, iho!” anas nito at inakbayan siya nito saka iginiya patungo sa isang kulay puting magara at mamahaling sasakyan. “Saan, po tayo pupunta?” Tumingin nito sa kanya at napahalakhak na naman ito ng tawa. “Basta, sumakay kana!” Sinunod na lang ng binata ang nais ng kanyang angkel. Naupo sila hulihang upuan. Saka dahan dahang pinaandar ng kanilang driver ang sasakyan. “Kailangan mong pag-aralan ang lahat ng negosyo ni Carlos, iho!” bungad na sambit nito habang nakatingin sa labas ng bintana ng kanilang sasakyan. Napabaling naman ng tingin sa kanya ang binata. Na may halong pagtataka. “Anong ibig niyo sabihin, angkel?” pagtataka nitong anito. “Pupunta tayo sa lihim na hide out ko! Doon mo makikita ang lahat na hawak na negosyo ni Carlos. Pati na ang kinabibilangan niyang isang organisasyon na puro bigtime drug lord ang mga namumuno. Hindi lang dito sa bansa kundi buong bansa. “Talaga palang maimpluwensya na rin ang Carlos na yan!” seryosong anito nito habang nagsisimula na naman ang pagkuyom ng kanyang kamao. “Tama, kaya dapat isa isa nating mapabagsak ang kanyang mga kasamahan hanggang sa siya na lang ang matira. Doon lamang tayo makakampanti.” Seryosong anas naman ng kanyang angkel. Tinanguan lang ito ng binata habang nakatiim bagang ito. Hindi na nila namalayan pa ang oras natigil na lang ang kanilang paguusap ng pumasok ang kanilang kotse sa isang napakalaking gate at may napakalaki ring mansion sa loob. Mabilis itong bumaba ng sasakyan at inilibot ang mata sa paligid. Namangha ito sa laki at lawak ng lugar. Marami ring mga nakabantay na mga armado sa labas ng mansion. Hindi mapigilan ng binata ang mamangha sa lugar. “Pagmamay-ari mo ang lahat ng ito ninong?” pagtataka nitong tanong na tila hindi makapaniwala sa nakikita. Muli na naman napahalakhak ang kanyang angkel ninong. “Ang lahat ng iyan ay magpapasa’yo! Dahil nandito kana, matanda na ako iho kaya ikaw na ang mamamahala nito. Nandito na lang ako para gabayan ka bilang iyong ama,” muling anito nito at saka muli na naman siya nitong tinapiktapik sa balikat. Hindi pa din makapaniwala si Juan Miguel sa nakikita. Manghang mangha ito sa laki at lawak ng mansion. “Tara, na sa loob!” basag nito sa katinuan ni Manuel. Nakangiti naman itong tinanguan ng binata at saka sumonod papasok sa loob ng mansion. Pagkapasok nila sa Mansion ay lalong napanga-nga ang binata. “Wow, angkel palasyo ba ito? Bakit ang gagara ng lahat ng gamit dito? Sino ang nakatira dito?” sunod sunod nitong tanong. Ngunit hindi ito sinagot ng kanyang angkel bagkus ay muli na naman itong humalakhak ng tawa. Nagsimula ng maglakad ang kanyang angkel pababa ng hagdan. Nasa underground kasi lahat ng kanyang nalikom na impormasyon patungkol lahat kay Carlos Sebatian. Pagkababa nila ay pumasok sila sa isang pintuan. Bumungad sa kanila ang isang napakalawak na silid at may isang malaking painting na nakadikit sa dingding na nasa harapan nila. Nilapitan ito ng kanyang angkel ninong at saka dahan-dahang pina slide. Muling bumungad sa kanila ang isang fiberglass na wall. May pinindot ito sa gilid ng fiber glass kaya bumukas ito. Isang lihim na elavator ang nasa loob. Dadalhin sila nito sa pinakailalim ng mansion na hanggang sampong palapag pababa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD