Pagbukas agad ng elavator ay meron itong napakalaking silid. Naiilawan ng kulay pulang ilaw. Ngunit maslalong nanlalaki ang mata ng binata nang bumungad sa kanya ang ibat ibang uri ng baril espada at patalim.
“Nakakamangha naman kayo, ninong!” anas ng binata habang panay ang ikot ng kanyang mata sa paligid ng silid.
“Maari mong gamitin ang lahat ng ‘yan, iho. Dahil matanda na ako hindi ko na magagamit ang lahat ng yan!” anito naman nito sa binata at muli naman siya nitong tinapik tapik sa balikat at saka muling humalakhak ng tawa.
Dahan-dahang lumapit ang binata sa nakasandal na espada at kinuha ito. Inusisa niyang maigi bago iwinasiwas. Napangiti naman ito sa kanyang ginawa habang panay ang ikot ng paningin nito sa hawak na sandata. Pagkatapos ay ilinapag niyang muli ito saka lumapit sa mga nakasabit na ibat ibang uri ng baril. Kumuha ito ng isa at ikinasa. Itinutok niya ito sa kawalan.
“Bang! Bang! Bang!” nakatiim bagang nitong bulong sa sarili habang kunwari ay maypinatatamaan siya.
Muli na naman napahalakhak ng tawa ang kanyang angkel ninong dahil sa nakitang reaksyon sa binata. Sunod na tinungo niya ay ang ibat-ibang uri ng patalim. Meron itong nakursunadahang patalim kaya kaagad niya itong kinuha at ipinaikot sa kanyang kamay kasabay ng pag bitaw nito. Kaya bumaon ito sa boxing ponch na nasa gitna. Naglaglagan ang mga buhangin sa baba na lalong ikinatuwa ng kanyang angkel ninong.
“Magaling, iho. Ganyan nga!” anas nito at saka dahan-dahang tinungo ang nag iisang pana na nakadisplay katabi ng mga magagandang espada. Inasinta niya ito ng mabuti saka itinutok sa board na nasa harapan nila na may litrato ni Carlos. Huminga muna ito ng malalim bago binitawan ang sibat ng pana. Samakto ito sa mukha ng litrato ni Carlos Sebastian.
Napako naman ang tingin ni Juan Miguel sa sibat ng pana kaya kaagad ito lumapit at binunot ang pana. Doon niya napagtanto kung sino ang nasa litrato. Muling bumalik sa kanyang isipan ang mga pangyayari nung araw na pinatay ang kanyang mga magulang. Rinig na rinig nito kung paano walang awang pinatay ni Carlos ang kanyang mga magulang.
“Hindi ko makakalimutan ang mukhang ito!” nakatiim bagang nitong anas saka ikinuyom ang kamao kasama ang litrato ni Carlos. “Magbabayad siya! Magbabayad siya?!” bulyaw nito habang tumutulo na ang luha dahil sa galit na nararamdaman.
Hinawakan ng kanyang angkel ninong ang board na nasa harapan at dahan-dahang pina-slide. Bumungad sa kanyang harapan ang ibat-ibang litrato ng mga lalaki. Tinitigan niya iyon isa isa.
“Sila ang black scorpion. Tinuro ang anim na kalalakihan kasama si Carlos. Itong lalaking gwapo at matipuno, siya ang mafia lord. Siya ang dapat mong mapabagsak dahil siya ang may hawak sa kanilang lahat.” Turo nito sa isang lalaki na nakaitim na toxido.
“Paano ko gagawin ‘yon angkel?” pagtatakang tanong nito.
“Unahin mo ang pinakamahina sa kanila. Kapag nangyari ‘yon. Maghahanap sila ng magiging kapalit. Dahil hindi pwedeng kulang sila ng isa. Makipaglaro ka sa kanila, iho. Kailangan makilala ka nila bilang isang makapanyarihang tao dito sa pilipinas para matuon ang atensyon nila sayo.
“Paano ko gagawin ‘yon angkel?”
Kinuha ng angkel ninong niya ang isang envelop na nakapatong sa maliit na mesa. Pinakita nito sa kanya kung ano ang nilalaman ng envelop.
“Anong ibig sabihin nito, angkel?” pagtatakang wika nito habang binubulatlat lang laman ng envelop.
“Simula nang bumalik ka, iho. Pinaghandaan ko na lahat ng iyan. Dahil isa ako sa pinakamayaman at tanyag na nag aangkat ng ibat-ibang uri ng armas sa labas at sa loob ng bansa kaya matagal na nila akong kilala. Matagal na rin nilang hinihingi ang cooperasyon ko upang lalong mapalakas ang kanilang kapangyarihan. Pero kahit kaylan hindi ko sila hinarap. Ni hindi nila alam kung anu ang tunay kung pagkatao at mukha. Dahil maingat akong mabuti. Hindi ako papayag na makihati ang kaaway sa lahat ng pinaghirapan ko.
“Anong kaylangan kong gawin, angkel? Sabihin niyo lang!” seryosong anas nito.
“Simula ngayon ikaw na si Alexander Dela Vega. Ang kaisa-isa kung anak at taga pagmana ng Dela Vega Company.
“Hmm, ninong! Masusunod po!” seryosong tango nito.
Hinawakan ng kanyang ninong kanyang balikat. Saka muling humalakhak ng tawa.
“Ikaw na ang anak ko. Kaya dad na ang itatawag mo sa’kin. Para masanay kana!” anas nito sa kanya.
“Yes, dad!” seryosong sagot nito.
“Magaling!” bukas ipapakilala na kita sa press. Dahil bukas na ang simula ng iyong misyon. Tiyak na magkakagulo sila. Kaya kailangan munang maghanda. Dahil maghahanda ako bukas ng malaking pasabog, iimbitahin natin silang lahat para malipat ang atensyon nila sayo.
Muli nitong inisa isa ang mga litrato na nasa harapan. At saka ipinako ang mata sa litrato ni Carlos Sebastian. Saka ngumisi ng mapait.
Pagkatapos ng paguusap nilang iyon ay bumalik na si Juan Miguel sa kanilang bahay. Hindi na ito natulog dahil maguumaga na. Nagluto na lang ito ng almusal para sa kanila. Pakanta-kanta pa ito habang nagpiprito ng itlog. Sakto naman na maaga ring bumangon ang kanyang ina para sa na magluto. Subalit nagulat ito ng may marinig na kalampag sa kusina kaya nagmamadali itong nagtungo doon.
“Anak, ikaw ba yan?” pagtatakang tanong nito habang papikit-pikit pa ng mata.
“Nay, gising na po pala kayo. Maupo na lang po kayo diyan at malapit na rin po akong matapos dito.” Saka ngumiti ng matamis sa ina na ikinatulala ng kanyang ina.
“O-o sige. Sigurado ka ba anak?” maypagtatakang wika ng ina nito.
“Opo, nay. Kaya wag na po kayong tumayo diyan ha!” usal pa nito at saka kumuha ng tatlong plato saka inilapag sa lamesa. Inilagay niya na rin ang itlog na pinirito may hotdog may tuyo saka nilagang talong na may bagoong at kamatis. Saka isinunod ang sinangag. “Saglit lang po nay tawagin ko lang po si tatay para sabay-sabay na po tayong kumain.” Dagdag pa nito saka mabilis na umakyat at tinungo ang silid ng kanyang mga magulang.
Maypagtataka man sa ikinikilos ng anak ay wala naman itong nagawa kung hindi ang tumango na lang.
“Kagabi lang, parang papatay ng tao. Ngayon naman parang nakapatay ng tao. Hays, ano ba tong iniisip ko.” Pailing-iling nito bulong. “Baka napapraning lang talaga ako. Makasandok na nga,” muling usal nito bago sumandok ng sinangang.
Maya-maya lang ay kasama na nitong bumaba ang kanyang ama.
“Ang bango, ha. At ang daming pagkain! Anong okasyon ha?” pagtatakang anito ng kanyang ama.
Napakamot na lang sa ulo si Juan Miguel at saka napangiti sa reaksyon ng kanyang mga magulang.