CHAPTER 16

1135 Words
Samantala natutulog pa sana si Mika ng katukin ang kanyang pintuan kasabay ang pagbukas nito. “Ma’am Mika, bumangon na po kayo. Pinapatawag po kayo ni Don Carlos!” aniya ng isa sa kanilang tagapagsilbi. Ngunit imbes na bumangon ay kinuha nito ang unan saka itinalukbong nito. “Ma’am, bangon na po naghihintay po si Don Carlos. Baka po masisanti ako kapag hindi po kayo sumunod.” Pagmamakaawa nito kay Mika. Ngunit lalo lamang naiinis si Mika kaya tumagilid pa ito patalikod habang natalukbong parin ng unan. “Ma’am, maawa po kayo sa’kin. Ayaw ko po mawalan ng trabaho!” muling protesta nito habang nangungulap na ang mata dahil sa nagbabadya nitong magtulo. “Ma--” magsasalita pa sana ito ng may sumalungat sa kanya. “Lumabas kana! Ako nang bahala sa kanyan.” Nakataas kilay na singhal ni Donya Teresa. “Opo, Donya Teresa.” Sagot ng katulong saka nagmamadaling lumabas ng silid ni Mika. Pinasadahan nito ng tingin ang dalaga na nakatalukbong ng unan. “Fine, im sorry!” hindi na kita pipigilan kung ano man ang gusto mo. Basta mangako ka na hindi mo kami iiwan ng daddy mo!” pagpapakumbaba nito aniya sa anak na namumokmok. Nagulat naman si Mika sa narinig kaya napabalikwas ito ng bangon. “Totoo ba yan, mom?” nakangiting anas nito sa ina. Sa gulat din ng donya sa pagbangon bigla ng anak ay napatango na lang ito habang maypagtataka. “Salamat, mom!” nakangiting anas nito saka nagmamadaling pumunta sa banyo para magshower. Naiwan naman ang kanyang ina na nahihiwagaan sa anak. “Hayyyss, mga kabataan talaga oo.” Tanging nasabi na lang nito at saka napabuntong hininga. “Lalabas na ako, sumunod ka na lang sa baba. Dahil may sasabihin ata ang daddy mo!” sigaw nito sa anak na nasa loob ng banyo. “Yes, mom!” maaliwalas nitong sagot. Kaya tuluyan ng lumabas ng silid si Donya Teresa. Pagkatapos nito magshower ay nag ayos ito ng kanyang mukha. Saka nagmamadaling bumaba. Nadatnan niyang kumakain na ang kanyang mga magulang kaya nagmamadali na din itong lumapit at hinila ang isang silya saka nagsandok ng kanin. “Ehem,” tikhim ng kanyang ama. “Maganda ata ang gising ng prinsesa namin ha!” bulalas ng kanyang ama. “Yes, dad!” at saka ginatihan ng ngiti ang ama. Lalagyan sana ng kanin ang kanyang plato ng tagapagsilbi ngunit pinigilan niya ito. “Ako na po, manang!” sambit nito at kinuha ang servings spoon saka nagsandok ng kanin. “Gutom ka ba anak? Bakit ang dami ng kinuha mong kanin? Hindi kaba nila dito pinapakain? Sabihin mo lang at papalitan natin lahat ang ating mga tagapagsilbi!” salubong ang kilay na anas nito kay Mika. Nabulunan naman si Donya Teresa sa reaksyon ng anak kaya kaagad ito uminom ng diyos. “Relax, dad. Ok lang po ako. Ganito po talaga ako kumain kapag masaya ako,” aniya nito saka sumubo ng kanin na halos mgpaumbok sa kanyang mga pisnge. Napanganga naman ang mag-asawa sa asal ng anak. “Sweety, ginugutom ba natin ang anak natin? Bakit ganyan siya kumain?” pagtatakang bulong ni Donya Teresa sa asawa. “Hindi ko din alam Teresa!” sagot naman nito habang titig na titig pa din sa anak. Nataranta sila ng mabulunan si Mika. Kaya sabay silang mag-asawang umabot ng Juice kay Mika. “Dahan-dahan lang kasi, anak! Para kang nagutuman.” Pagtatakang anas pa rin ni Carlos. “Gutom talaga ako, dad. Kaya wag niyo na lang po akong pansinin. Kumain lang po kayo.” at tinapunan ng ngiti ang dalawang kaharap. Nagkatinginan muli ang mag asawa. Nagtataka pa din sila sa ikinikilos ng anak. “Dad, aalis po pala ako mamaya may bibilhin lang po ako. Saka dadaan ako sa kaibigan ko.” Paalam nito sa ama. “O-ok, sige.” Nauutal nitong tinig dahil sa pagtataka sa anak. “Pero umuwi ka kaagad bago mag nine o'clock ng gabi ha. Dahil may party tayong pupunta.” sambit nito sa anak kaya natigilan ito sa pagsubo. “Dad? Party po?” gulat nitong tanong. “Yes, anak. Kaya umuwi ka bago mag nine o'clock ha! “Kailangan po ba talaga nandoon ako, dad?” kunot noo nitong aniya sa ama. Of course, dahil ipapakilala ni Arman Dela Vega ang kanyang taga pagmana. Imbitado ang lahat na pinakamayayamang tao sa bansa. Syempre, hindi magpapahuli ang daddy mo anak.” at napahalakhak ito ng tawa. “Ako na ang bahala sa isusuot niya sweety. At ako na rin ang mag aayos sa kanya para magmukhang diyosa ang anak natin. Baka magustuhan pa siya ng anak ni Arman o kaya ang nag iisang mafia lord.” bulalas naman ng ina nito. “Mom, anu ka ba? Hindi pa ako mag aasawa!” singhal nito. “Alam ko, anak. Binibiro lang kita. Sige na lumakad kana para makauwi ka agad ng maaga. Kaya tumayo na ito saka bumalik sa kanyang silid. Nagpalit ito ng simpleng damit saka nagmamadali ulit lumabas ng silid. Bumuntong hininga muna ito saka bumaba ulit ng hagdan at saka dumiritso palabas ng mansion. Pumara ito ng taxi at nagpahatid sa palengke. Balak nitong bilihan ng karne si Nay Erma, dahil hindi ito nakabili nung nakaraan. Dahil nga sapilitan siyang isinama ng mga tauhan ng kanyang ina. Pagkababa nito ng taxi ay nahagip ng paningin nito ang isang itim na sports car na nakaparada sa tabi ng palengke. Nagulat ito ng bumukas ang bintana ng sasakyan dahil bumuli ng meneral water ang sakay nito. “Manuel?” pagtataka nitong wika saka muling tinitigan ang lalaki na nasa loob. Ngunit pagtingin niya ulit, ay nakasarado na ang bintana nito. “Baka namamalikmata lang ako!” ganyan ko na ba siya kagustong makita?” nakangiting anas nito at napatapik na lang ito sa kanyang noo saka napangiti ng bahagya. “Ano ka ba, Mika?” nakita mo naman ang bahay nila diba? Sakto lang sa kanila. Sa tingin mo ba makakabili siya ng ganong kagandang sasakyan? Magisip ka nga!” muling anas nito habang tinatapik-tapik pa ang kanyang noo. Samantala, papunta ng palengke si Juan Miguel para bumili sana ng isusuot nito sa party mamaya. Ngunit pagdating niya sa palengke ay tumawag ang kanyang angkel ninong. Aka. Ang Daddy Arman niya. Kaya hindi muna ito bumaba dahil sinagot muna nito ang tawag ng kanyang daddy. “Yes, dad!” sagot nito. “Iho, ibinili na kita ng isusot mo mamaya kaya wag ka nang mag abala pang bumili ng isusuot mo. Kailangan ikaw ang may pinakamagarang suot sa sarli mong party.” lintiya nito sa kabilang linya. At napahalakhak na naman ito ng tawa. “Malay mo, mahanap mo d’on ang dream girl mo?” dagdag pa nitong biro. “Copy, dad!” at napangiti sa sinabi ng kaisap. “Papunta na po ako diyan!” sambit nito. “Ok,” at ibinaba ang telepono. Binuksan nito ang bintana at nakita nito ang isang tendero na nagbebenta ng meneral water. Kaagad niya itong tinawag para bumili. Bigla kasi itong nakaramdam ng kaba para sa party mamaya. Kailangan niyang maghanda at sa bawat oras na tumatakbo ay napakahalaga sa kanyang misyon. Kaagad nitong sinarado ang binatana pagkatapos uminom ng tubig. Saka nagmamadaling pinaharurot ang kanyang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD