CHAPTER 17

1104 Words
Nakangiting pumipili ng mga bibilhin gulay at karne si Mika. Balak kasi nitong ipagluto si Juan Miguel ng sinigang na baboy. “Tama na siguro ‘to!” nakangiting bulong nito sa sarili habang tinitingnan ang kanyang mga pinamili. Pagkatapos nito mamili ay tumawag na ito ng trycle para magpahatid sa bahay ng binata. Nagwawalis naman sa tapat ng kanyang karenderia si Nay Erma ng mapansin nitong mayroon tumigil na trcycle sa harap ng tindahan niya. Kaya nagmamadali nitong sinilip kung sino ang dumating. “Diyan lang po ako manong, sa tapat po ng karenderia ni Nay Erma.” aniya nito sa trycle driver. Kaagad naman siyang tinanguan nito at itinigil sa tapat ng karenderia. “Mika!” sigaw ni Nay Erma. “Ikaw nga!” at nagmamadaling lumapit sa dalaga. “Kumusta na po kayo, nay?” nakangiting bati niya dito at niyakap ang ginang. “Ito po pinamalengke kuna po kayo. Nung nakaraan po kasi hindi ako nakabalik dahil nagka-emergency sa bahay. Kaya bumawi po ako,” at pinakita ang dalang mga gulay at karne. “Naku maraming salamat, ha! Wag kang mag alala wala iyon, ito naman. Tara na sa loob,” at nagmamadaling hinila ang kamay ng dalaga papasok sa loob ng kanilang bahay. Napangiti na lang ang dalaga sa inasta ng ginang. Samantala, palinga-linga naman ito sa paligid dahil hindi nito mahagilap ng tingin si Juan Miguel. “Siya nga po pala, nay! Nasaan po si Manuel?” kunot-noo niyang tanong sa ginang. “Bibili daw ng damit na isusuot mamaya. May party daw kasi silang mga kapulisan, kaya bibili daw muna siya ng damit. Sabi niya saglit lang daw siya.” aniya nito sa dalaga habang inilalapag sa lamesa ang dalang pinamalengke ni Mika. “Ganon po ba, nay! Kung ganon po tamang-tama lang pala ang dating ko. Balak ko po kasi siyang ipagluto ng sinigang na baboy eh.” nakangiting saad nito sa ginang. “Naku sige, iha. Tutulungan kita.” masayang prisenta ni Nay Erma sa dalaga. “Sige po, nay!” excited nitong anas at saka tumayo para kumuha ng karne sa kanyang mga pinamili. “Naku, paborito pa naman iyan ni Manuel. Siguradong matutuwa iyon kapag nakita ka niya.” Sambit nito sa dalaga habang naghubugas ng kasirula na paglulutuan ni Mika ng sinigang. Napangiti naman si Mika sa sinabi ng ginang. Ang totoo kasi mis na mis na din nito ang binata. Samantala pauwi na si Juan Miguel dala ang kanyang susuutin para sa party mamaya. Pagkababa nito ng kanyang sasakyan ay dumiritso na ito sa loob. Subalit nasa may pintuan pa lang ito ay amoy na amoy na nito ang napakabangong luto ng sinigang. Kaya nagmadali na itong pumasok sa loob ng bahay at dumiritso sa kusina ngunit bigla na lang itong nagulat dahil biglang may bumangga sa kanyang matitipunong dibdib. Lalabas sana si Mika para silipin kung sino ang dumating, dahil may narinig itong pumarada sa tapat ng karenderia. Saktong hakbang nito ay bigla itong bumangga sa matitigas na dibdib ng binata. Nanlalaki ang mata nito kasabay ang pagbilis ng pintig na kanyang puso. Sa amoy pa lang ng pabango nito alam na nito kung sino ang nabangga. Kaya dahan dahang inangat nito ang kanyang mukha. At hindi nga siya nagkami ng hinala, ang binata nga ang nabangga nito. “P-pasensya, na! Hindi ko sinasadya.” Nahihiyang anas ng binata sa kanya. “P-pasensya, na rin! At bagyang itong umatras dahil biglang uminit ang kanyang pisge. Lalong bumibilis ang t***k ng kanyang puso sa tuwing tinititigan ito ng binata. “Titingnan ko lang sana kung sino ang pumarada sa tapat ng bahay!” nahihiya pa rin nitong saad sa binata. “Ah, ganon ba!” at ngitian ng matamis ang dalaga kaya lalo itong nahiya. Namumula na din ang makikinis nitong pisnge. “Mukhang hindi ko na kailangan lumabas,” asik niya dito at saka tumalikod. “Kalma ka lang, Mika!” bulong nito at tinapik tapik ang kanyang pisnge. Nakangiti naman na nakamasid si Nay Erma sa dalawa. Nagkakahiyaan pa kasi ito kaya binasag na nito ang ulirat ng dalawa. “Naku, kayo talagang mga kabataan! Maupo na nga lang kayo at kakain na tayo!” anas nito sa dalawa at bahagyang kinilig. Nagkatinginan muli ang dalawa at napangiti na lang parihas. Hinila ni Manuel ang isang silya para kay Mika. At hinila din nito ang isa para sa kanya at saka naupo na din. Bigla itong nagutom nang maamoy nito ang napakabangong sinigang. “Ang bango naman niyan, nay! At mukhang napakasarap!” natatakam nitong anas. “Ay, talagang masarap ‘yan. Dahil si Mika mismo ang nagluto niyan para sayo.” Aniya din ng kanyang ina habang naglalagay ng kanin sa kanyang plato. Napatingin naman ang binata kay Mika nang malaman nitong si Mika ang nagluto ng sinigang na baboy. Kaagad namang nilagyan ng kanin ni Mika ang plato ng binata at binigyan ng isang mangkok na sinigang. Umaapaw sa tuwa ang binata dahil sa ginagawa ng dalaga. Kaya hindi na nito pa napigil na hindi mahulog dito. “Kain na!” asik nito sa binata na natutulala sa kanya. Bigla naman bumalik ang ulirat ng binata dahil nagulat ito sa sinabi ng dalaga. Kaya dali dali itong napasubo ng kanin. Natawa na lang si Mika at si Nay Erma kay Juan Miguel habang pinagmamasdan nila. Masaya silang nagkwentuhan pagkatapos nilang kumain hanggang hindi na namalayan pa ni Mika ang oras. Nagulat na lang ito ng tumunog ang kanyang cellphone at nakita nito na ang kanyang ina ang tumatawag kaya nagmamadali na itong nagpaalam sa binata at kay Nay Erma. “Sigurado kaba talaga na hindi na kita ihahatid sainyo?” kunot-noong tanong ng binata. “Wag na. Ako nang bahala, kaya ko na!” sagot nito sa binata at saka humakbang palabas ng pinto. Bigla nitong nakita ang kukay itim na sports car na nakaparada sa labas ng karenderia. Kaya napaisip ito bigla kung kanino niya iyon nakita dahil pamilyar s kanya. “Ok ka lang, Mika?” basag ng binata sa katinuan ng dalaga. Bigla kasi itong natigilan at natulala na lang bigla. “A-ayos lang ako, Manuel? May naalala lang ako kanina.” Asik niya dito at ngumiti. “Kung ganon ikaw nga ‘yong nakita ko kanina sa palengke!” bulong nito sa sarili. Pero nahihiwagaan na ito sa binata. “Sigurado ka ba na ok ka lang? Ihahatid na kasi kita.” Pilit nito sa dalaga. “Wag ka nang mag abala pa! Mabuti pa maggayak kana rin at may party ka din mamaya!” anas nito sa binata. Kaya nanlaki ang mata ng binata ng marinig nito ang party. “Ay, oo nga pala!” gulat nitong anas dahil nakalimutan niya ito. Kaya nagmamadali na itong pumasok sa loob ng bahay at mabilis na pumasok sa kanyang silid. Napakamot na lang si Mika at natawa sa binata. Pumara na din ito ng trycle at nagpahatid sa mansion nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD