“Wow, Ma’am Mika! Ang ganda ganda niyo po sa suot niyong kulay itim na dress.” manghang aniya sa kanya ng isa sa kanilang tagapagsilbi habang inihahanda ang kanyang sapatos na isusuot.
“Maraming salamat, Inday. Sige na lumabas kana at ako na lang ang gagawa niyan.” saad nito sa katulong.
“Hayaan niyo na po akong pagsilbihan kayo, Ma’am Mika! Trabaho ko naman po ito. At saka mamaya po baka pagalitan pa po ako ni Madam Teresa.” nakanguso nitong saad sa dalaga.
“Ikaw talaga, Inday. Bahala ka nga!” at kinuha ang kanyang pouch para lagyan ng kanyang dadalhin na pang retouch mamaya. Isiniksik na din nito ang kanyang cellphone sa pouch saka isinoot ang kanyang napiling sandals na may taas four inch.
“Are you ready, anak?” basag ng kanyang ina.
“Yes, mom!” sagot niya dito.
“Wow, your look are verry elegant. At bagay na bagay sayo ang dress na napili ko!” manghang anas ng kanyang ina at pinaikot siya nito. “Perpect, lets go!” taas noo nitong aniya saka tumalikod at naglakad palabas ng silid.
Sumunod naman ang dalaga sa ina. Nakaabang na rin sa labas ng pintuan ng mansion ang kanyang ama para escortan sila.
“Lets go, ladies!” anas nito sa mag ina.
“Kaya kumapit na rin sila sa braso ni Carlos at saka naglakad patungo sa kanilang sasakyan na Ferrari.
Samantala mabilis na pinaharurot ni Juan Miguel ang kanyang sports car patungo sa hotel na pag aari nila. Doon kasi gaganapin ang party at ang plano ng angkel ninong nitong pagpalit ni Juan Miguel sa kanyang posisyon. Dumiritso agad ito sa guestroom ng hotel dahil nandoon ang kanyang angkel ninong.
“Your here, son! Are you ready para sa unang tagumpay natin?” at kumuha ng dalawang kupita saka sinalinan ng wisky at ibinigay sa binata ang isa. “Lets have a tose four our first victory, son!” anas nito at saka tumungga ng alak.
“Yes, dad! I’ll make sure of that. All of them will be depeated. Umpisa pa lang to, dad!” at napakuyom ito ng kamao kasabay ng pagtiim ng bagang nito.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang tauhan.
“Go, make sure na walang sabit!” singhal nito at saka ibinaba ang kanyang cellphone.
“First, down! At kinuha ang litrato ng isang lalake na nakadikit sa kulay pulang board. Mr. Cabrera, malas mo lang at ikaw ang inuna ko!” at kinuyom ang kamao kasama ang litrato saka sinunog ng lighter.
“Verry good, son!” anito ng kanyang ninong at humagalpak ng tawa.
Samanatala dumating na rin ang mga inaasahan nilang bisita. Ang dating anim na black scorpion ay lima na lang. Ngunit wala pang kaalam alam ang kanilang grupo na kulang na sila ng isa.
Lumabas na rin ng kanilang silid sina Arman at Juan Miguel para magmasid masid sa paligid. Nasa baba ang kanilang mga bisita kaya malaya nila itong napagmamasdan mula sa ikalawang palapag. Nahagip ng paningin ng binata ang babae na nakaitim na dress habang kinakausap ang isa ka kanilang kalaban. Ang pinakamakapangyarihan sa kanilang groupo ang tinatawag na mafia lord.
Ngunit nanlaki ang mata ng binata kung sino ang babae na nahagip ng kanyang mukha. May kasama itong lalaki at sumasayaw sila sa baba. Hindi siya pwedeng magkamali dahil kilala niya iyon. Nakita pa nito na hinahawakan sa baywang ang dalaga kaya biglang nag init ang kanyang dugo. Tinawagan nito ang isa sa kanyang mga tauhan upang tanungin kong ready na ba lahat. Kung lahat ba naiset-up na pati mga press.
Samantala nakarating na sila Mika sa hotel ng mga De Vega Hotel and restaurant’s, naunang pumasok ang kanyang ama at ang kanyang ina. Naiwan ito sa labas, akmang papasok na sana ito ng may biglang nagsalita sa kanyang likuran.
“Bakit sa ganda ‘mong ‘yan, wala kang escort?” bulalas ng isang matangkad na lalaki at matipuno din ang katawan sa saka gwapo rin. Lalo na sa soot nitong kulay itim na tocido at itim na pantalon.
Natawa naman si Mika sa sinabi ng lalaki sa kanya.
“At ikaw din mister, bakit wala ka ding iniiscortan?” balik tanong niya din sa binata.
Kaya parihas silang dalawang natawa.
“Hmm, by the way i’m, Lucas Montero!” nakangiting pagpapakilala nito at naglahad ng kamay sa dalaga.
“I’m, Mika Sebastian,” nakangiting aniya din nito sa kausap at kinamayan niya din ito.
“Hmm, Mika Sebastian! Same sound of Carlos Sebastian. Do know, him?” pagtataka nitong tanong.
“Of course, he’s my father. Bakit mo siya kilala?” pagtatakang tanong niya din sa binata.
“Oh, really he is your father? He is my friend, kaya kilala ko siya. And magkasusyo kami sa negosyo,” gulat nito anas sa dalaga. “Bakit hindi sinabi sakin ni Carlos na mayron pala siyang ganito kaganda anak.” at ngumiti ng matamis sa dalaga na ikinapula nito.
Natawa na naman si Mika sa pinagsasabi ng binata. Bigla tuloy itong nahiya.
“Mapagbiro pala kayo, Mr. Montero.” asik nito at napangiti ulit.
“Hindi ako nagbibiro. Totoo ang sinabi ko, Mika!” seryoso anas nito at napakamot sa ulo kasabay ang bahagyang pagtawa nito.
“Naku, kayo talaga! Pumasok na nga tayo sa loob!” sambit nito sa binata at ngumiti. Akmang hahakbang na ito ng lakad ng biglang hawakan ni Lucas ang kanyang braso. Kaya napatingin ito sa kanyang braso na hawak ni Lucas.
“Wait, can i?” at iniready nito ang kanyang kaliwang braso.
Nagulat naman ang dalaga sa sinabi ng binata. Pero imbes na tumanggi ay bigla itong napatango. Niyapos niya ang matipunong braso ni Lucas at pumasok na sila sa loob. Magaan ang loob ni Mika sa binata, kahit ngayon niya pa lang ito nakikilala ay alam niyang mabuti ang kalooban nito.
Kumuha ng inumin ang binata at ibinigay sa dalaga. Natutuwa naman sa kanya si Mika dahil especial ang turing sa kanya ng binata.
“So, can we dance?” aya nito sa dalaga at inilahad muli ang kanyang mga palad sa harapan ng dalaga.
“Ya, sure!” at inabot din ang kamay nito sa binata patungo sa gitna para sumayaw.
Samantala habang nagsasayaw ang dalawa may mga matang kanina pa nakamasid sa kanila. Halos talunin na nito ang ikalawang palapag para agawin sa kanya si Mika. Subalit hindi niya pwedeng gawin iyon dahil masisira ang kanyang misyon.