“Saan ka pupunta, son? Magsisimula na ang ating palabas.” Pigil ni Arman kay Juan Miguel kaya napalingon ito sa kanya.
“Nothing, dad! May nakita lang akong kakilala!” at tumingin sa first floor, subalit wala na doon si Mika kaya hinanap niya ito ng tingin. Tiningnan din nito ang lalaking kasayaw at nandoon naman kausap ang ibang bisita.
“Ah ganon ba!” anas naman nito at humalakhak na naman ito ng tawa. “Get ready, son! Magsisimula na tayo. So lets go!” at hinawakan siya nito sa balikat. Kaagad namang sumunod sa kanya si Juan Miguel. Subalit panay pa rin ang paglinga-linga nito sa paligid.
Samantala nagpaalam naman si Mika kay Lucas na pupunta muna sa rest room. Paglabas nito ng cr ay napansin nito ang napakagandang harden sa labas. Kaagad itong namangha kaya hindi nito napigil ang sarili na wag lapitan ang mga nagkakagandahang bulaklak.
“Ang gaganda niyo naman!” at pumitas ng isang kulay pink na bulaklak at inilagay sa kanyang tenga. Manghang-mangha ito sa mga naggagandahang mga bulaklak. “Ang babago niyo pa!” dagdag pa nito habang nilalangahap ang amoy ng mga bulaklak.
Sa kabila ng kanyang pagkamangha sa mga bulalak ay bigla itong nagulat ng may marinig itong tinig mula sa kanyang likuran.
“Mahilig ka din pala sa mga bulaklak?” nakangiting saad sa kanya ng isang tinig. At ng nilingon niya ito ay bigla itong napangiti.
“Ikaw pala, lucas! Oo mahilig talaga ako sa mga halaman at bulaklak. Pakiramdam ko kasi nawawala ang lungkot ko kapag nakikita ko sila.” aniya nito habang panay ang amoy nito s hawak na kulay pink na bulaklak.
“Talaga?” gulat nitong wika. “Kung ganon, pareho pala tayo. May sarili kaming farm ng mga halaman at puro bulaklak. Mahilig kasi ang nanay ko noong nabubuhay pa siya sa mga bulaklak. Kaya naisip ko na magpagawa ng malaking flower farm at inaalay ko ito sa kanya.” at biglang nalungkot ang mga mata nito kaya napansin ito ni Mika.
“Ok ka lang ba, Lucas? Pasensya na!” at kumunot din ang noo dahil nalungkot rin sa inasal ng kausap.
Samantala habang nag-uusap si Mika at Lucas sa labas ng Hotel ay nagsimula na rin ang unang hakbang nila Arman at Juan Miguel.
“Ladies ang Gentlemen.” pabungad na sambit ng isa sa nag organize ng event. “Magandang gabi sainyong lahat. Alam kung excited na kayong makilala ang tagapagmana ng Dela Vega Company. Wag kayong mag-alala dahil makikilala niyo na siya. Please welcome, the only son of Arman Dela Vega. The future of Dela Vega Company. Please welcome, Alexander Dela Vega.” at nagsipalakpakan ang mga tao sa harapan. Kasabay noon ang paglabas ni Juan Miguel na tinitukan ng media. Halos lumiwanag ng kanilang camera ang buong hotel. Saka ipinasa ang microphone kay Juan Miguel.
“Ladies and Gentlemen. Maraming salamat sa pagpapaunlak niyo sa imbitasyon ng aking ama. Siguro naman ay matagal niyo na siyang kilala.” paunang anito nito sa mga bisita kasabay ang pagngiti nito ng matamis. “Matanda na ang aking ama kaya naisip niya na siguro panahon na para sa kanyang pagriritero. Kaya ako na ang papalit sa kanya. Iyon lang ang gustong iparating ng aking ama. Marami salamat.” mahabang paliwanag nito sa harapan ng intablado at ngumiti ulit ng matamis. Kasabay ang pagtutok sa kanyang ng media. Maraming media ang gustong magtanong sa kanya subalit pinigilan ito ng mga bantay ng event.
“Ang kisig at gwapo pala ang anak ni Arman, Sweety!” manghang sambit ni Teresa kay Carlos. “Ganyan ang gusto kung mapangasawa ng anak natin!” muling usal pa nito at halos malaglag na ang panty nito sa kilig.
“Wag kang mag-alala, Teresa! Paglalapitin ko siya at ang anak natin,” anito nito sa asawa at ngumisi ng mapait. “Kung ang kanyang ama ay mailap sa atin! Pwes, gagamitin natin ang anak!” madiing sabi nito habang nakangisi pa rin ito, saka tumungga ng alak.
“Mukhang su-swertihin tayo sa kanya, Swetty!” nakangisi rin nitong anas at saka tumungga ng shamphain.
Samantala habang nag-uusap sina Teresa at Carlos Sebastian ay may mga matang kanina pa nakakuyom at halos gusto na itong sugudin. “Hayop ka, Carlos! Magbabayad ka sa ginawa mo sa pamilya ko?!” galit nitong bulong habang pinagmamasdan ang dalawang kalaban.
“Relax son, makukuha mo rin ang matagal mo nang gusto!” basag ni Roman sa kanya na kanina pa din nakamasid sa matalim nitong titig sa mag-asawang Sebastian.
Napayuko na lang ito dahil sa sinabi ng kanyang angkel. Ngunit ng muli niyang tapunan ng tingin si Carlos ay bigla itong nawala. Kaya hinanap niya ito ng tingin. Kaagad niya naman itong nahagilap ng tingin, nasa main door may kausap sa cellphone. Kaya napangiti ito ng mapait.
“See son, umpisa pa lang yan! Kaya wag kang mainip.” at hinawakan siya nito sa balikat kasabay ang muling paghalakhak nito. “Go, harapin mo na ang black scorpion.” anito nito kay Miguel. At tinanguan naman ng binata.
Bumaba ng intablado si Juan Miguel at pinuntahan ang tatlong target niya. Ang tatlong kasapi ng black scorpion.
“Ehem!” tikhim nito sa tatlo kaya sabay itong napalingon sa kanya.
“Mr. Dela Vega, the future of Dela Vega Compony.” anito ni Mr. Kim at kinamayan siya nito.
Inabot rin nito ang kanyang kamay at ngumiti ng pabalik. “Thank you Mr.--?” kunwaring tanong nito pero ang totoo ay alam na nito kung sino ang kausap.
“Mr. Kim, Mr. Dela Vega!” at kapawa sila nagtawanan.
Binaling din ni Juan Miguel ang mata niya sa isa. “Hi, Mr.--?” at kinamayan niya rin ito.
“Mr. Barber!” sagot naman nito.
At panghuling baling nito ng tingin. Bago inabot ang kamay. “And?” tanong nito sa paghuling target.
“Mr. Lopez!” at kinamayan rin siya saka ngumiti. “Sana makilala rin namin ang iyong ama na si Arman Dela Vega.” sambit nito sa binata.
“Don’t worry, Mr. Lopez. Makilala niyo si dad. Sa ngayon kasi marami pa siyang kailangan tapusin sa negosyo.” Usal nito sa kausap kasabay ang pagngisi ng mapait.
“Alam niyo sa tagal ko na sa negosyo dito sa pilipinas. Ni hindi ko pa nakikilala ‘yang si Arman Dela Vega. Matunog ang kanyang pangalan, subalit mailap siya sa tao.” Sambit naman ni Mr. Kim sa kanila kasabay ang pagtungga ng alak.
“Soon, Mr. Kim! Makikilala niyo rin si dad. Mailap talaga siya sa mga tao. Pero mabuti siyang tao!” madiing sambit nito at tumawa. Kaya nagtawanan rin ang tatlong kausap.
Habang nagkakasarapan sila sa pag-uusap ay may biglang sumabat sa kanila.