“So ikaw pala ang future, ng Dela Vega Compony!” sabat ni Teresa sa kanilang usapan.
Natigilan naman si Juan Miguel sa narinig. Bigla na naman itong napatiim bagang habang nakatalikod kay Teresa.
“Kayo pala, Donya Teresa!” saad naman ni Mr. Barber.
Kaya humarap na rin si Juan Miguel sa Donya.
“Ang pogi naman talaga ng lalaking ito, eh!” bulalas nito kay Juan Miguel at ngumiti ng matamis sa kanya.
Napakamot naman ito sa kanyang ulo at ginantihan din ng pekeng ngiti ang donya. “Maraming salamat sa pagpunta, Donya Teresa!” pagkukunwari nito usal sa donya. Subalit halos gusto ng sumabog ng kanyang galit.
“You know, Mr. Dela Vega! Tatawagin ko lang ang asawa ko, para makilala mo rin siya.” Aniya nito sa binata at saka tumalikod at hinanap ang asawa.
Tinanguan naman agad ito ni Juan Miguel. At pagbalik na ni Teresa ay kasama na nga niya si Carlos. Kaya lalong nanggigil sa galit. Subalit hindi niya ito dapat ipahalata.
“Hello, Mr. Dela Vega! Nice to meet you.” anito sa kanya ni Carlos at iniabot ang kamay nito sa kanya. Subalit tiningnan muna ito ng masama ni Juan Miguel bago ito kinamayan at ngumiti.
“Nice to meet you too, Mr.--?” kunwaring anas nito.
“Oh, Carlos Sebatian.” at ngumiti ito sa kanya.
“Wait, swetty! Nakita mo ba ang anak natin?” basag naman ni Teresa sa asawa. “Kailangang makilala niya ang napakagwapong si Mr. Dela Vega.” at nginitian nito sa Juan Miguel. Kaya napakamot sa ulo ang binata. “Boys, maiwan ko muna kayo at hahanapin ko muna ang anak ko!” paalam naman ng donya sa kanila.
Samantala panay naman ang lingon ni Juan Miguel dahil hinahanap niya si Mika. Ngunit kahit saan ito lumingon ay hindi niya ito mahagilap.
“Excuse me, Gentlemen! Maiwan ko muna kayo at may aasikasuhin lang ako.” Paalam nito sa apat na black scorpion.
Kaagad naman itong tinanguan ng grupo. Nakatatlong hakbang na si Juan Miguel ng buksan na ni Carlos ang topic tungkol sa isa nilang kasamahan. Tumawag raw ang asawa ni Mr. Cabrera at sinabing inambush ang sinasakyan nila at napatay ang asawa niya. Kaya napangiti ulit si Juan Miguel sa narinig bago tuluyang tumalikod para hanapin si Mika.
Pabalik na rin sa loob ng hotel si Mika kasama si Lucas ang mafia lord ng black scorpion. Kapwa ito nakangiti habang may hawak na bulaklak si Mika. Palabas rin sana ng hotel si Juan Miguel para tingnan kung nandun si Mika sa harden ng hotel subalit nahagilap niya na ito ng tingin kasama si Lucas kaya kumubli ito sa likod ng pinto.
“Ano ka ba! Hindi ka dapa makita ni Mika!” bulong nito sa sarili. Subalit nag-iinit na ang kanyang dugo dahil kay Lucas. Nakita pa nito na inakbayan si Mika. Kaya lalong nag-igting ang panga nito. Lalabas na sana ito para kunin si Mika kay Lucas subalit nanlaki ang mata nito ng lapitan ni Teresa si Mika. Kaya bigla itong natigilan.
“Mom, may problema ba?” tanong nito sa ina.
“Saan ka ba galing at bakit kasama si Mr. Montero? Matagal na ba kayong magkakilala?” pagtatakang tanong nito kay Mika.
“Kayo naman, Donya Teresa! Bakit hindi niyo sinabi na may ganito pala kayo kagandang anak!” bulalas nito sa donya.
“Hindi naman kay nagtanong, Mr. Montero!” sagot naman nito at tumawa. Kaya natawa na rin si Lucas sa sinabi ng donya.
Samantala nanlalaki naman ang mata ni Juan Miguel sa narinig. “What? Anak ni Teresa si Mika.” gulat nitong bulong sa sarili. Tila hindi ito makapaniwala na ang babaeng mahal niya ay anak ng kaaway niya. Para itong pinagsukluban ng langit at lupa. “Bakit ikaw pa, Mika?” muling anas nito habang nangigilid na ang luha. Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. “Hello, makinig ka! Alamin mo kung sino ang anak ni Carlos Sebastian! Ibigay mo sa’kin ang buong ditalye, bukas! Naiintindihan mo ba?” madiing banta nito sa kausap saka ibinaba ang cellphone.
Samantala habang pinagmamasdan nito sila Mika na papasok na sa event ay tumunog rin ang kanyang cellphone. Kaya kaagad niya itong tiningnan at nang makita nito na ang angkel niya ang tumawag ay kaagad niya ito sinagot. Kasabay ang paghakbang nito patungo sa guestrooms nila. Lutang pa rin ito habang nakaupo ito sa sofa.
“May problema ba, iho? Bakit, para yatang pinagsukluban ka ng langit at lupa?” pagtatakang tanong ng angkel niya sa kanya.
“Dad, bakit ganon?” anito nito at tuluyan ng bumagsak ang kanyang luha. “Bakit siya pa? Bakit?” muling usal nito at kasabay ang paghagulhol nito ng iyak.
Kaagad naman itong hinagkan ng kanyang angkel. Habang nanggigilid na rin ang luha.
“Ganon talaga, iho. Minsan talaga hindi patas ang mundo. Pero kung talagang para sayo. Para sayo iyon!” usal nito at tinapik siya nito sa balikat.
Pagkatapos ng magarbong event sa hotel ay naging laman ng balita sa radyo at television si Alexander Dela Vega. Kaya nang-init ang mata ng mga sindikato sa kanya lalo na ang black scorpion. Lalo na ngayon na nakulangan na sila ng isa.
“Mahal, sino kaya itong Alexander na ito? Kahit saan ako magbukas ng chanel ay siya ang laman!” asik ng ina ni Juan Miguel na si Nay Erma.
“Oo nga, mahal! Hayaan mo na nga yan, patayin mo na lang ang tv total hindi naman natin siya kilala!” sagot naman ni Mang Pedro. Kaya pinatay na rin ni Nay Erma ang tv.
“Siya nga pala, mahal! Lumabas na ba ang anak natin? Abay, dalawang araw na siya nakakulong sa kanyang silid, simula noong party nila.” tanong ni Nay Erma sa asawa.
“Oo nga, mahal. Pansin mo rin ba. Matamlay ang anak natin, simula ng umuwi siya dito galing sa party nila?”
“Tawagan mo kaya si Mika, mahal! Baka siya lang ang makakapagpabalik ng sigla ng anak natin.” bulalas naman ni Mang Pedro sa asawa.
“Ay oo nga, mahal! Mabuti pa nga tawagan ko si Mika.” aniya naman nito sa asawa kaya kaagad nitong kinuha ang cellphone at dinaial ang number ni Mika.
Samantala nag-aayos rin si Mika dahil pupunta ito kila Juan Miguel, nang marinig nito ang kanyang cellphone na nag-riring. Kaagad niya itong dinampot at nang makita kung sino ang tumawag ay bigla itong nagkaroon ng ngiti sa labi.
“Hello, nay! Napatawag po kayo?” anas nito sa ginang.
“Hello, iha! Itatanong ko lang sana kung laylan ka pupunta dito?” sagot naman ng ginang sa kabilang linya.
“Ngayon po sana, nay. Bakit niyo po natanong?” nakangiting sagot nito.
“Si Manuel kasi, ilang dalawang araw ng hindi lumalabas nag-aalala na kami.” malungkot na saad nito kay Mika.
“Ho! Sige, po papunta na ako diyan!” nag-aalala na rin nitong anas at tuluyan nang binaba ang kanyang cellphone.