Samantala pasimpleng sinusundan ni Juan Miguel sina Jhaide at Jake habang naglalakad. “Totoo nga ang sabi nila ubod ka ng ganda Jhaide Takashi,” bulong nito habang pasimpleng nakikinig sa pag-uusap ng dalawa. “Tama nga ang hinala ni dad, ikaw ang magiging target ni Carlos Sebastian. Kailangan maunahan ko si Carlos sayo. Pero paano ko gagawin ‘yun kung may lalaking buntot ng buntot sayo,” dagdag pa nito. Habang palingon-lingon ito sa paligid ay may nakita itong salamin na nakapatong sa maliit na table na nasa tabi ng ding-ding at may nakapatong na halaman. Kaagad na kinuha nito ang salamin at sinoot bahagya rin nitong ginulo ang kanyang buhok. Nakita nito papasok na ng elavator ang dalawa kaya napatakbo ito para sumabay. Subalit pinigilan itong pumasok ng isang lalaking sakay si Jake pero k

