“Kung ganon sino ang iyong kameeting ng ganitong oras Mister Dela Vega?” anas naman ni Jake. Buhat pa rin nito ang dalaga, paparating na din ang mga pulis dahil dinig na nila ang alingaw-ngaw ng sasakyan nito. “Nagpa-appointment ako sa secretary ni Miss Jhaide Takashi dahil may businesses proposal ako sa kanya,” seryosong turan ni Juan Miguel. “Hindi ba nag-email ako, ang sabi ko cancelled ang meeting ngayon dahil may importanting lakad si Jhaide,” kunot-noo nitong anas. “Hindi na matutuloy ang meeting natin kay Carlos Sebastian kaya mabuti pa pumasok na tayo sa loob at itong business proposal na lang ni Mister Dela Vega ang uunahin ko,” wika nito sa kanyang bodyguard na si Jake. “P-pero, may sugat ka Jhaide makakapag-hintay pa naman ata sa susunod na araw si Mister Dela Vega! Hind

