Pagkatapos ng nangyaring pag-uusap ng Black Scorpion ay naghanda sina Juan Miguel at Jhaide para sa pagsubok na binigay sa kanila ni Lucas Montero. Pasado alas-onse ng gabi nilipad nila ang cebu gamit ang private chopper ni Jhaide para sa gagawing transaction. Plinano lahat ni Juan Miguel at Jhaide ang lahat. Kunwari walang mangyayaring raid sa lugar subalit may mga nakabantay na agent upang kilalanin kung sino ang makakatransact nila. Pagkatapos ay susundan ng agent ang kuta nila Mr. Dela Rosa at papalipasin ng ilang araw para ma-raid ng mga contact ni Juan Miguel ng mga awtoridad. Kaya ginawa nila ang nasa plano. Walang nangyaring raid at humanga si Lucas Montero sa kanilang dalawa ni Jhaide. “Good job, Ms Jhaide and Mr. Dela Vega!” bati sa kanila ni Lucas ng makabalik sila at ng map

