“Malalim yata ang iniisip mo, Manuel,” pukaw ni Mika sa katahimikan ni Juan Miguel habang nakatayo sa gilid ng pinto at pinapanood ang kanyang mga magulang na busy sa kanilang karinderya. Kaya napatingin ang binata kay Mika at ngumiti. “Ikaw pala, Mika,” sambit nito. “Bakit hindi mo sila tulungan,” udyok nito sa binata. “Tara, tulungan natin sila,” nakangiting usal nito at hinila ang kamay ng binata papunta sa karinderya. Napakamot na lamang si Juan Miguel dahil sa ginawa ng binata. Maya-maya ay narinig nila na may customer na humihingi pa ng dagdag na kanin. “Kanin daw!” asik ni Mika kay Juan Miguel. Kaya nataranta ang binata na sundin ang si Mika. Nagkatinginan naman sina Mika at ang Ina ni Juan Miguel at sabay nilang pinagmasdan ang binata na busy na sa mga customer nila. “Nap

