Kaagad na inihanda ni Juan Miguel ang kanyang mga tauhan. “Makinig kayo!” seryoso wika niyo. Kaya natuon ang atensyon nang kanyang mga tauhan sa kanya. “Yes, boss! Makikinig kami!” wika ng isa sa leader ng kanyang tauhan si Ramil. “Ramil, dahil ikaw ang tumatayong leader sa kanila, kaya sayo nakasalalay ang bawat galaw ng iyong mga tauhan. Kapag pumalpak sila, kasalanan mo ‘yun. Naiintindihan mo ba?” seryoso wika ni na may halong pagbabanta. “Copy, boss! Wag kang mag-alala ako ng bahala, makakaasa kayo!” tiim bagang na turan nito. “Makinig ang lahat may sasabihin si Big Boss!” pasigaw na turan ni Ramil sa kanyang mga tauhan habang inihahanda nila ang kanilang mga armas at bala na dadalhin. Kaya pansamantala muna nilang itinutok ang paningin nila sa binatang si Juan Miguel. “Siguro alam

