Pagka-gising ni Mika ay wala na si Juan Miguel sa tabi niya. Kaya bigla itong naalimpungatan at nagmamadaling tinungo ang banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Pagkatapos ay dali-dali itong bumaba, kaagad nitong hinanap ang binata subalit hindi nito mahagilap ng tingin ang binata. Nakita nito na nagwawalis sa bakuran ang nanay ni Juan Miguel kaya lumapit si Mika dito. “Magandang umaga po, nay,” wika nito sa ginang. “O! Ikaw pala, Mika! Magandang umaga din,” sagot rin nito sa dalaga. “Nag-almusal kana ba? Halika ka at sabay na tayo,” dagdag pa nito. Ngumiti muna si Mika bago sinagot ang ginang. “Sige po nay, sabay na tayo,” aniya nito. Subalit panay ang lingon nito kung saan. Nagbabakasali ito na baka hindi pa nakaka-alis ang binata. Habang nag-hahanda si Nay Erma ng pagkain nila

