Chapter 25

1865 Words

“Napakaganda mo talaga, Amethyst…” sabay halik ni Miguel sa malambot na pisngi nito.   Humagikgik si Amethyst, mukhang nakiliti sa makapal na namang balbas ni Miguel. Lalong nanggigil ang lalaki, pinaulanan ng halik ang buong mukha ni Amethyst na tawa nang tawa.   “Kagigil ka!” sabi pa nito.   Mukhang nairita na si Amethyst kaya’t sinampal ang mukha ng lalaki. Imbes na magalit ay ikinatuwa pa nito, muling pinupog ng halik ang mukha ng babae.   “Malapit na akong magselos…” bungad ni Yolanda sa dalawa.   Natigilan ang mga ito. Maya-maya ay nagharutan na naman. Nangingiting lumapit sya sa mga ito at kinuha mula sa kandungan ng asawa ang batang si Amethyst. Sya naman ang nanggigil dahil sa pagiging bungisngis ng bata, kaya’t di nya napigilang kagatin nang magaan ang pisngi nito.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD