Napbalikwas ng bangon si Yolanda dahil sa sinabi ni Miguel. “Huh?” naguguluhang tanong nya sa lalaki. “Mahal din kita. Sabi mo mahal mo ko,” nakangiting sabi nito. Ibinaluktot ni Yolanda ang mga tuhod at naihilamos ang dalawang palad sa mukha sabay sabunot sa sariling buhok. Pakiramdam nya ay nangulot ang kanyang bangs kahit wala naman syang bangs. Panaginip! Tama, panaginip lang ang nangyari. Ngunit may malinaw na pahiwatig ang panaginip na iyon. Ngayong matino na ang kanyang pag-iisip at wala sa wisyo ng pang-aakit ni Miguel, malinaw na tumimo sa isip ni Yolanda ang nagawa. Nagtaksil sya sa kaibigang multo, ang multo na asawa ng kanyang kalandian! Patay na! Siguradong mumultuhin ako ng multong yun! “Yolanda?...” Nagtangka si Miguel na hawiin ang kanyang

