Padiin nang padiin ang pagsabunot ni Yolanda sa buhok ni Miguel, habang palalim nang palalim ang pag‑halik nito sa kanya. Hindi sya makakilos dahil nakadagan sa kanya ang buong bigat ng lalaki. Sa pagkakapatong ni Miguel sa kanyang ibabaw at pagdidikit ng kanilang mga katawan ay damang-dama ni Yolanda ang matigas na katawan nito at ang matigas na… Upo ba yun o patola?! sa isip-isip nya. Pakiramdam ni Yolanda ay bumabaon na ang kuko nya sa anit ni Miguel. “Hmmm… ARAY!” hiyaw ni Miguel. Humiwalay ang mukha nito sa kanya at salubong ang kilay na pinakatitigan sya. “Balak mo ba kong kalbuhin? Pakiramdam ko umabot na sa utak ko mga kuko mo,” dugtong nito. “Grabe ka naman kasi makahalik. Nakita mo namang may sugat ang nguso ko di ba?!” hinihingal na sabi nya rito. Pakiramdam ni Y

