Savino's POV Tawang- tawa ang mga kapatid ko nang ikinukwento ko sa kanila kung ano ang mga pinaggagawa ni Saskia sa akin ngayon na buntis ito. At ang nakakainis, kahit ayaw ko, kasi parang hindi na makatarungan, hindi ako makatanggi kasi ginagamit nya laban sa akin ang ipinagbubuntis nya. Para akong asong ulol na sinusunod lahat ng gusto nya. We lost our first child before at ayaw kong may mangyaring masama sa pangalawa namin. Kaya kahit anong gusto ng asawa ko, sinusunod ko talaga. Pati ang pagkain sa mga weird na craving nya ay ginawa ko. Hindi ako lubos makapaniwala na dahil sa pagmamahal, nagawa kong kumain ng mga pagkain na malayo sa panlasa ko. "Ganyan talaga ang asawa pag buntis, maraming kaartehan. Lagi nilang ginagamit ang paglilihi nila para mapasunod tayo sa kagustuhan nil

