Saskia Monica's POV Nasa loob ako ng kotse ko habang nakatingin kina Rexon at James na parehong nakaposas at may mga pulis na naka- escort sa kanilang dalawa. Marami din mga tao ang nakaabang sa kanila, at halos lahat ay galit na galit sa dalawa, kaya naman marami talagang nagbabantay sa seguridad ng dalawa. Marami din ang mga taga media ang nagco- cover ng balita tungkol sa pagkahuli ng dalawa. Malapad akong nakangiti. Hindi ko lang naipaghiganti ang sarili ko sa ginawa ko sa kanila, maraming buhay ng kabataan ang naisalba ko pa at nabigyan ko pa ng hustisya ang mga naging biktima sa nangyari stampede sa isang bar kumakailan lang. Isa nga ang kaibigan kong si Jachia ang napahamak sa stampede. Oo. Sangkot nga sa pinagbabawal na gamot sina Rexon at James. Ang drugs na nakuha na syang ib

