
Blurb
Ulga Tolentino, 25 years old. Isang simpleng babae na matapang, maldita, matalino, para sa kanya walang problemang hindi nalulutas at lalong walang inuurungan. Kinakaya at ginawa ang lahat para sa ama nitong may sakit. Napagkamalang magnanakaw ni Mr. Oscar Escobar.
Oscar Escobar, 27 years old. Isang lalaki na matapang, strikto. Galit sa mga magnanakaw at budol-budol. Walang pinapalampas na kabayaran kapag may nakitang mali o nagawang kasalanan. Dahil para sa kanya dapat magbayad ang taong gumawa nang mali at kasalanan.
Upang hindi makulong si Ulga sa kasalanang hindi naman ginawa ay pumayag 'to sa kasunduan ni Mr. Oscar Escobar na maging alalay nito ng dalawang buwan.
Paano kung sa dalawang buwan na pagsasama niyo ay puro nalang tensyo sa pagitan niyo? At wala na kayong ginawa kundi ang inisin ang isat-isa at ayaw niyong pareho na patalo. Kaya mo bang makisama sa taong ayaw mong makita ang pagmumukha? Dahil sa inis mo sa kanya.
Kung bigla ka kaya niyang halikan ng walang dahilan. Makalimutan mo kaya ang first kiss mo?
Paano kung pagkatapos ng dalawang buwan niyong pagsasama ay bigla mo siyang mamis? At hinahanap na pala 'to ng baliw mong puso. Ano ang gagawin mo?
Mapanindigan mo kaya ang binitiwan mong salita sa kanyang, "Kahit dalawa na lang tayong maiwan dito sa mundong ibabaw at ikaw at ako nalang ang pag-asa ng mundo para magparami ng lahi. Hinding-hindi kita aanakan!"
🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣🤣
