Chapter 22 *Saycie* Nakatulog agad ako pagkatapos no’n. Nagising akong... ako na lang ang nasa kama. Agad kong hinanap si Zack. Wala siya, nasa kabila na siguro. Gumalaw ako ng kaonti at agad kong naramdaman ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko. Is this sore? Napangiwi ako nang tangkain kong bumangon. Talagang masakit. Agad kong naramdamang may suot ako. Nilingon ko ang suot ko at nakita kong malaking t-shirt at pajama. Napangiti ako nang wala sa sarili. Agad kong naalala ang sinabi niyang ayaw niya akong nagsusuot ng mga gano’ng klase ng damit. Binihisan niya ko ng ganito. Maayos din ang kama ko at hindi gulo-gulo tulad kanina. Pinilit kong tumayo para makapaghilamos. Bawat hakbang ko ay talagang masakit. Nakatatlo pa kami. Agad nagbaga ang magkabilang pisngi ko. Ang wild niya. Imagine

