WARNING! MATURE CONTENT! RATED SPG! 18+ KUNG SENSITIVE KA SA GANITONG EKSENA, YOU BETTER SKIP THIS CHAPTER. Chapter 23 *Saycie* “Baby Liam, ano’ng gusto mong panuorin?” Malanding tanong ni Kara. Napalingon ako sa kaniya dahil sa uri ng pananalita niya pero inirapan lang ako. Ang landi din ng baklang ‘to eh! Akala mo naman siya ‘yong dinadalaw dito sa bahay. “Ano’ng gusto mo, Saycie? Horror, comedy, drama or action movie?” Baling sa akin ni Liam at binalewala ang sinabi ni Kara. “Kahit ano na lang,” mahinang boses ko. Napaigtad ako nang maramdaman ang pagtusok ni Zack sa tagiliran ko. Nilingon ko siya at parang niyayaya niya akong umalis sa sala. Kumunot naman ang noo ko. Saan naman kami pupunta? At isa pa, nakakahiya naman kung iwan na lang basta si Liam dito. “Gusto ko ‘yong horro

