Chapter 24 *Saycie* Malungkot akong pumasok sa kwarto ko. Galing ako sa guess room kung saan natutulog si Zack. Galit siya sa’kin at ayaw niya akong kausapin. Pinaalis pa nga niya ako. Alam kong hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ni Liam kanina. Alam ko rin na minamaliit niya ang sarili niya dahil nakilala niya si Liam. Hindi ko maaalis sa kaniya ‘yon. Pero gusto kong malaman niya na walang kaso sa’kin ‘yon. Gusto kong sabihin sa kanila pero masiyado pang maaga. Sa tingin ko, nagseselos lang si Zack kay Liam kaya gano’n. Kakausapin ko na lang na huwag na siya pumunta dito. Pero makulit ‘yon eh, kahit ipagtabuyan, ayaw pa rin umalis. Pero susubukan ko pa rin. Kinuha ko ang phone ko na nasa ibabaw ng kama. Nagtipa ako ng text for Liam. “Sorry, Liam. Hindi ka na pwedeng pumunta dito sa

