WARNING! MATURE CONTENT! RATED SPG! 18+ KUNG SENSITIVE KA SA GANITONG EKSENA, YOU BETTER SKIP THIS CHAPTER. Chapter 25 *Zack* Halos sa labas na ‘ko ng kwarto ni Saycie natulog kagabi. Madaling araw na no’ng bumalik ako sa guess room. Alam kong may bumabagabag sa kaniya. Ramdam ko ‘yon. Dahil kaya sa pagseselos ko? Dahil sa pagtatalo namin kagabi? Kahapon lang ay ang saya-saya namin tapos no’ng dumating ‘yong tisoy na ‘yon, nagkaganito na. Ngunit hindi ko makalimutan ang sugat sa labi ni Saycie. Oo, hinalikan ko siya pero hindi gano’n kalala na nagdurugo at magkakasugat. Balak ko sanang kausapin siya kagabi kaya lang wala siya sa kwarto niya. Madilim ang bahay kaya hinanap ko ang switch ng ilaw. Balak kong hanapin si Saycie pero bago ko pa makapa ang bukasan ng ilaw ay narinig ko ang

