Chapter 26 *Saycie* Pagkarating sa bahay ay wala akong nakitang sasakyan ni Liam sa labas. Umalis na siya? Tila nakahinga ako ng maluwag. Maingat kong pinarada ang kotse ko sa garahe. Binati pa ako ng isa sa mga kasambahay namin. “Hello, Ma’am Saycie. Galing po dito si Sir Liam. Hinahanap po kayo,” wika ng kasamabahay namin. Isang beses na lang akong tumango sa kaniya. Nakakawalang gana marinig ang pangalan niya. At takot agad ang hatid sa akin. Pumasok agad ako sa loob at agad kong nakita si Zack. Nasa sala siya at nanunuod kasama si Kara. Kahit si Kara ay nilingon din ako. Umasta lang akong parang walang nakita. Na parang hangin lang siya. Balak niya akong lapitan pero mabilis akong umakyat. Iniiwasan ko siya kahit gustong-gusto ko siya kausapin. Kahit miss ko na siyang yakapin, hi

