Chapter 27 - Fiancé

2644 Words

Chapter 27 *Aileen* Maaga akong nagising para makapaghanda na. Sasakay na lang ako ng taxi papunta doon. Hindi pwedeng ihatid ako ni Liam dahil tiyak na magtataka sila kung bakit kami magkasama. Baka pumalya pa ang plano ko. Kasalukuyan na akong nag-aayos sa harap ng salamin nang magising si Liam. “Bakit ganiyan ang suot mo?” Natatawang tanong niya. “Sempre, para kapani-paniwala mamaya,” sagot ko habang nag-aayos pa rin sa salamin. Nagsuot ako ng mahabang palda at asul na blusa na de-botones. Tiniyak kong magmumukha talaga akong probinsyana kahit hindi ko naman talaga hilig ang ganitong mga kasuotan. “Ano bang plano mong gawin?” Excited niyang tanong. Pinusod ko saglit ang buhok saka humarap sa kaniya. “Sa akin na lang ‘yon. Basta, paghihiwalayin ko sila.” Determinado kong sagot at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD