Chapter 45 - Limos

2263 Words

Chapter 45 *Saycie* Pagkatapos ng panonood namin ay nagpasya na kaming magpahinga na. “Good night, buddy,” wika ni Jason kay Angelo at mahinang pinisil ang pisngi. Kitang-kita sa kaniya na nagpipigil lang siyang manggigil. Napangiti naman ako. “Good night din sa’yo, Jason,” nakangiting wika ko at umakyat na kami sa taas. Inaantok na rin si Angelo kaya pagkarating sa taas ay agad ko siyang binihisan ng pantulog. Lalabhan ko rin agad ang mga pinagbihisan niya. Ang problema ko ngayon ay pamalit ko. Wala akong dala kahit isang damit ko. Maski panloob. Kahit gusto ko rin mag-shower ay hindi ko magawa. Iisa lang ang damit ko at ‘yon ay ang suot ko ngayon. Nakakahiya naman magsabi kay Jason dahil kung tutuusin ay malaking tulong na nga ang ginawa niya para sa amin. Hindi rin biro ang ginawa n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD