Chapter 46 *Saycie* Maagang nagising si Angelo kaya nagpasya na rin akong bumaba na. Pinalitan ko muna siya ng damit at diaper. Mamaya ko na siya paliliguan pagkatapos ng agahan. Balak ko sanang magluto kaya lang ay nahihiya akong mangialam sa kusina. Kahit iyon man lang sana ang maitulong ko kapalit ng mga pagtulong sa amin ni Jason. Inayos ko muna ang kama bago bumaba. Suot ko pa rin ang damit na pinahiram ni Jason. Iyong nilabhan ko kagabi ay iyon na lang ang gagamitin ko mamaya kapag naligo na ‘ko. Binuhat ko si Angelo at lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong bahay. Nang bumaba ako ay may naririnig akong ingay mula sa takuri. Gising na siya? Ang aga naman. Sa tingin ko ay alas sais pa lang ng umaga. O baka gano’n lang siya magising. Sadyang maaga. Maingat akong naglakad patungo sa

