Chapter 47 *Saycie* Habang busy si Jason sa paglalaro kay Angelo ay naisip kong magluto para sa tanghalian namin. Meron naman akong alam lutuin dahil kahit papaano ay natuto ako kay Mommy. Bigla akong nalungkot nang maalala si Mom. I miss her dishes. Lalo na ang lumpiang toge at bulalo. Ipinapangako ko sa sariling hindi na talaga lalayo sa kanila. Ngayon ko lang na-realize na mahirap pala ang walang magulang sa tabi. Lalo na no’ng magbuntis ako kay Angelo hanggang sa manganak. Walang magulang na umaalalay sa akin. Kung wala siguro si Ate noon ay hindi ko matutunan magpaligo at magpalit ng diaper kay Angelo. Ngayong nanay na rin ako, ngayon ko lang na-realize na mahirap pala ang maging magulang. Mahirap magpalaki ng bata. Kaya sobra akong nagsisi kung bakit binabalewala ko lang ang mga

