CHAPTER 3

1899 Words
CHAPTER 3 *Saycie* Minulat ko ang mga mata mula sa masarap at mahimbing na tulog. Ako na lang mag-isa sa malaking kama. Kinuha ko ang phone ko at nagselfie. Pakiramdam ko maganda ang awra ko ngayon. At magandang magpost ng woke up like this sa i********:. Kinuhanan ko ang sarili ng ilang litrato at nag-post. Pagkatapos ay tinungo ko ang banyo para makaligo na. Nasapo ko ang noo ng mapagtantong hindi ko nga pala ito kwarto. Pinasadahan ko muna ang sarili sa salamin. Sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Lumabas ako sa kwarto at tinahak ang hallway patungo sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto ay napangiti ako. Walang nagbago at ganoon pa rin ang ayos. Parang palagi pa rin may gumagamit kahit wala ako. Malinis at buhay na buhay pa rin ang silid ko. Bigla kong na-miss ang dating silid. Humarap ako sa vanity mirror kung saan palagi akong nagpo-pose na parang modelo. Kung paano ako nagpapa-cute dati sa harap ng salamin na ito. At ngayon lahat ng inaasam ko noon ay totoo na. Pinangarap ko lang dati na mailagay din ang mukha ko sa isang billboard o kaya ay sa magazine. Pero ngayon sobra sobra pa kaysa sa pangarap ko noon. Noong una ay may kumuha lang sa akin na isang photographer at pinakilala sa isang company kung saan siya nagtatrabaho. Kinuhaan niya ako ng ilang litrato. At nung ipakita niya iyon sa boss niya ay mabilis silang nag-offer sa’kin. Kaya naman tinanggap ko agad ang pinaka-una kong trabaho. Masaya ako dahil pangarap ko ‘yon at iyon pa talaga ang kauna-unahang kong magiging trabaho. Ang maging isang model at kasabay ng pagsikat ko ay siya ring paglago ng kompanya. Marami ang kumukuha sa akin para maging endorser at maging modelo ng iba’t ibang produkto. Maging ang taga ibang bansa ay inaalok din ako. Kaya ganoon na lang ako kung mag-alaga sa katawan. Para hindi mawala sa akin ang iniingatan kong career. Mahal ko ang pagmomodelo dahil narito ang puso ko. At alam ko rin na balang araw ay bibitawan ko rin ito. May pinangako ako kay Dad. Wala naman akong kapatid para magmana at mag-alaga ng mga negosyo namin kundi ako lang. Kaya habang may oras pa ako, ini-enjoy ko muna. Five year’s na lang at magre-resign na ako. 25 year’s old na ako. Tama lang siguro na nasa 30’s ako magtrabaho sa mga negosyo. Kaya naman susulitin ko na ngayon. Dumiretso ako sa cabinet para tignan kung may mga damit pa ako. Napangiti ako muli dahil nandito pa rin ang mga naiwan ko. Maayos na nakasalansan. Dumiretso na ako ng banyo para makaligo. Gutom na rin ako gusto ko na mag-almusal dahil alas nuebe na ako nagising. Pagkatapos maligo, pumili ako ng damit na isusuot. Iilan lang ang nandito dahil dinala ko sa bahay ko iyong iba. Ipapakuha ko na lang siguro o kaya kami na lang ni Kara. Speaking of Kara baka naghihilik pa ‘yon. Kinuha ko ang cotton shorts at pink long tshirt. Ganito lang palagi ang pambahay ko. Gusto ko komportable. Kapag nasa work ako palaging mahalaga ang OOTD. Outfit of the day. Pagkatapos kong magbihis. Dumiretso ako sa salamin at nagsuklay na. Naglagay lang ako ng kaonting liptint dahil maputla ako tignan. Nadadala ng puti ko pati na ang labi ko. At ng makuntento na ako ay nagpasya na ‘kong bumaba. Hindi ko muna gigisingin si Kara. At baka kung ano na naman ang masumbong no’n kay Mommy. Pagbaba ko ng hagdan walang tao sa sala. Kaya dumiretso na ako sa kusina, gusto ko na kumain. Naglalakad na ako palapit sa kusina ng may marinig ang malakas na tawanan. Pagkarating ko sa kusina nakita ko sina Mommy at Daddy pati na rin si Kara. Nilingon nila ako. “Good morning. Mukhang nagkakasiyahan kayo a,” bati ko sa kanila. “Good morning anak maupo ka na,” aya sa’kin ni Mom. Humigop ng kape si Dad at saka binaba ang binabasang newspaper. “Good morning, ija,” masayang bati ni dad. “Ang dami kasing kwento nitong si Kara,” paliwanag ni Mom. Nilingon ko si Kara na busy sa pagkuha ng pagkain. Siguro kanina pa ‘to kumakain dito. Akala ko’y naghihilik pa doon sa taas iyon pala nauna na dito sa baba para kumain. “Sa lagay na ‘yan mom? Nakakapagkwento pa ba siya niyan? Eh punong puno ang plato oh,” sabi ko. “Bakla, ngayon lang ako bumabawi ng kain ano. Hindi ko na kailangan sabihin kung bakit,” sabi ni Kara. May diin bawat katagang sinabi saka niya ako inirapan. “Wow ha! Kaya pala palaging ubos ang laman ng ref ko kasi ikaw palagi ang umuubos,” asik ko sa kaniya. “Ako talaga ang taga-ubos dahil para kang pusa kung kumain. Mapapanis at mae-expired na ang laman ng ref mo. Pasalamat ka nga at narito ang magandang binibining si Kara na taga-ubos ng tira mo. Kaloka!” diretso niyang sagot. Sasagot pa sana ako pero hinayaan ko na lang. Kilala ko itong si Kara marami pa siyang sasabihin kapag pinatulan ko. Baka kung ano na naman ang isumbong niya kina Mom at Dad. Well, totoo naman lahat ng sinabi niya. Strict ako sa diet ko kaya siya palagi ang taga ubos. “Totoo ba ‘yon Saycie, anak? Mas mainam pa rin ang kumain ng kanin. Para may sustansiya kang nakakain. Ang laki ng ipinayat mo,” pag-aalalang tanong ni Mom. Bumuntong hininga ako. “Mom, alam—” hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil tumira na naman si Kara. “Yes tita, minsan apple lang ‘yan sa gabi. Kaya nga ako nangangayayat doon sa bahay niya dahil wala kaming bigas. Namamalengke pa ako para makapagluto at makakain ng totoong pagkain. Ito po kasing si Saycie snack lang yata ang alam niya. Hindi niya alam ang breakfast, lunch at dinner. Puro lang meryenda!” sumbong niya. Kaya naman tinignan ko siya ng matalim. Pero pinan-dilaan niya lang ako. Aba! “Mabuti na lang at dito ka na ulit titira. Hindi ako papayag na ganoon lang ang kinakain mo,” sabi ni Mom. Bumuntong hininga na lang ako. Masasabunutan ko na talaga ang baklang ‘to. Masiyadong matabil! “Mom masiyado pong madami. Tama na po,” pigil ko kay Mom. Kasi panay ang lagay ng pagkain sa plato ko. “Masisira diet ko mom,” reklamo ko. “Hindi. Basta samahan lang ng tamang ehersisyo. Kung puro ka prutas lang at hindi kumakain ng kanin ano pa ang lakas mo. Baka isang ihip ka lang ay liparin ka na,” sabi ni Mom. May halong lait sa tono ng boses ni mommy kaya naman natawa na din si Dad na kanina ay busy sa pagkain. Bigla tuloy akong na-curious sa katawan ko. Payat na ba ako? “Payat ba ako tignan Mom?” tanong ko. “Hindi naman, kaso anak wala kang masiyadong laman. Tignan mo ‘yang pisngi mo lubog na hindi ka ganyan dati. Mas bagay pa rin sa’yo ang may kaonting laman,” sagot ni Mom. “Tumpak tita galit kasi ‘yan sa carbs,tita,” sabi ni Kara. Tinignan ko siya ng matalim para magtigil na pero nginitian niya lang ako at lalo akong nainis. Kung nakakamatay lang ang titig ko kanina pa ito bumulagta. Humaba ang nguso ko ng lingunin ang plato ko. Pinuno talaga ni Mommy. Tatlong malalaking hotdog, tatlo ding ham, at dalawang itlog. At maraming sinangag. Nakita ko pa na tumayo siya para kuhaan ako ng gatas. I sighed. Lolobo talaga ako dito. Mas mapapadalas naman ako mag-exercise nito. Pinilit kong inubos ang nilagay ni Mom sa plato ko. Busog na busog ako. Iyong maliit kong tiyan ay umumbok kaya napanguso ako. Mamaya ay mag-e-exercise ako. Humalik si Dad sa’min ni Mom. Nagpaalam na papasok na sa work. Nakita ko na hindi maalis ang ngiti ni Mom buhat kagabi. “Happy?” tanong ko habang tinatanaw ang sasakyan ni Dad palabas ng gate. “Sobra anak thank you kasi nandito ka na ulit. Noong wala ka, palagi ako naiiwan mag-isa kasi busy ang daddy mo sa trabaho,” sagot ni Mom. Halata sa boses niya ang pagkalungkot. Naaalala ko na naman ulit ‘yong mga pagbabalewala ko sa kaniya tuwing pinapauwi niya ako. Nagsisisi na ako dahil doon. “Mom, pwede mag-request? Gusto ko sana ng lumpiang toge mamaya. At saka ‘yong paborito kong—” hindi ko na natuloy ang sasabihin. “Bulalo!” masiglang sabi ni Kara. Napalingon kami pareho ni Mom sa kaniya. Tignan mo ‘tong baklang ‘to bundat na bundat na ang tiyan dahil sa dami ng kinain kanina. Tumawa si Mom. “Hindi ka pa busog bakla ka?” asar ko sa kaniya. Dahil nakita kong may dala na naman siyang buko salad na natira namin kagabi. “Hayaan mo na anak. Pwede mo ba ako samahan mamamili ng mga ingredients para sa request mo?” excited niyang aya sa’kin pero mabilis na sumingit si Kara. “Sama ako tita please,” pagmamakaawa ni Kara. Pinagsaklob pa ang dalawang palad at ngumiting aso. Tumango naman si Mommy kaya mabilis niyang inubos ang laman ng platito niya. Napailing na lang ako. “Ikaw na ba ang bagong anak ngayon?” tanong ko. Nginitian niya lang ako at saka tumalikod na para dalhin ang pinagkainan sa kusina. “Baboy!” sigaw ko sa kaniya. “Oink! Oink!” balik sigaw niya. Sabay kaming natawa ni Mom sa kaniya. “Magbibihis lang ako Mommy tapos alis na po tayo,” paalam ko. Ngumiti siya at mabilis na tumango. Umakyat na ako sa kwarto para makapagbihis. Pinili ko ang komportableng susuotin. Black leggings at puting longsleeve. At saka pinili ko ang flat sandals. Pinasadahan ko muna ang mukha sa salamin at saka kinuha ang sling bag ko. Ni-check ko din kung nasa loob na ba ang wallet at phone ko. Pagbaba ko sa sala nakita ko si Kara na may nginunguya na naman. Kumunot ang noo ko. “Bakla ilan ba ang bituka mo? Kanina ka pa kain ng kain pero parang hindi ka yata nabubusog. Ikaw din baka mamaya niyan hindi ka matunawan,” sabi ko. Tinignan niya ako ng masama habang ngumunguya. Kaya naman tinakpan ko ang bibig para hindi matawa. Pero hindi ko kinaya kaya sa huli ay pinakawalan ko din ang tawa ko. “The car is ready tara na,” aya sa’min ni Mom. Akala ko iiwan ni Kara ang kinakaing dried mango pero nagkamali ako at talagang dinala pa niya sa loob ng sasakyan. Grabe! “Baboy!” asar ko sa kaniya. “Oink! Oink! Mas okay na ang maging baboy ano kaysa naman magmukhang palito,” balik asar niya. Akmang hihilain ko na ang buhok niya.. “Tita, si Saycie po,” mabilis na sumbong niya kay Mom. Bago pa kami awatin ni mom ay inabot ko na ang buhok niya at dalawang beses na hinila. “Aray! Ouch!” maarteng reklamo niya. Sabay ayos sa buhok niya. I smirked. “Tsee!” sabi niya sabay lingon sa bintana. Natawa tuloy ako sa reaksyon niya. Marunong din pala itong sumuko. Ganito kaming dalawa pero pagdating naman sa trabaho ay professional siya kumilos kaya gustong-gusto ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD