CHAPTER 2

1716 Words
CHAPTER 2 *Saycie* “Palagi ko siyang hinahatid sundo kahit na ayaw niya. Palagi niya akong sinusungitan. At sinabi ko sa kaniya kapag binasted pa niya ako ulit ay kami na kaya wala siyang nagawa. Pinagpatuloy ko ang panliligaw at hindi niya ako kayang i-busted. At noong Valentines Ball namin nung college, may lumapit sa aking babae at gusto ako makasayaw. Ito namang Mommy mo nagselos. Hinalikan ako sa harap ng babaeng nag aaya sa’kin,” natatawang wika ni Dad. Nilingon ko si Mom na pulang-pula na ang mukha. “Stop it Nicolas,” banta niya kay Dad. Pero si Dad hindi nagpatinag at itinuloy pa rin ang kwento. “Iyon na yata ang pinaka masayang gabi ng buhay ko. Ang pinapangarap kong si Carmina ay naging nobya ko. Kami pa nga ang naging king and queen of hearts dahil doon,” dugtong ni Dad. Habang kinukwento ni Dad ang mga ‘yon ay parang kahapon lang nangyari. Sariwa pa sa ala-ala niya. Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano niya kamahal si Mom. Kung paano niya titigan si Mom. Kung paano niya ito alagaan. Kung paano niya lambingin, it was all natural and pure. Na para bang sanay na sanay siyang gawin ‘yon at kusa na lang na nagagawa. Gusto ko ganoon din sa akin ang mapapangasawa ko. At iyon ang hindi ko makita sa mga manliligaw ko. Sila kasi kapag binasted ko na ay suko na agad. Umirap ako sa hangin dahil sa naalala. Nauwi sa masaya at nakakabusog na tawanan ang hapunan namin. A perfect birthday for me. Dito na rin kami nagpasya ni Kara matulog. Habang nasa sala kami nanonood, may bigla akong naalala. “Dad, ‘di ba po meron tayong sakahan sa Pangasinan?” tanong ko. “Yes ija, why?” sagot ni Dad. “Kasi doon po ang location ng shooting namin next week,” nakangiti kong sagot. “Mabuti kung ganoon dahil magaganda ang mga tanawin doon. Nakaka-miss din bumisita sa probinsya. Malawak ang lupain natin doon at minana ko pa ‘yon sa Lolo mo. Sasama kami ng Mommy mo para naman makalanghap kami ng sariwang hangin. Para makilala mo rin ang mga magsasaka natin doon pati na rin ang ilan nating kamag-anak,” masayang wika ni Dad. Halata sa kaniya na excited siya. Napangiti ako dahil ngayon makakasama ko sila sa trabaho ko. This is the first time at makakakilala pa ako ng mga taga-probinsya. Lalo na ang ilan naming kamag-anak. Excited na rin ako next week! “Baka po may ma-busted na naman si Saycie tita, tito,” sabi ni Kara. Kaya naman inirapan ko siya. Napailing na lang si Daddy habang si Mom ay seryosong nakatingin sa akin. Para bang natatakot siya tuwing may sinasabi si Kara about sa mga manliligaw ko. Hinawakan ni Mom ang kamay ko at marahan na pinisil. Nilingon ko siya nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. “Mom kanina ka pa tahimik. May problema ba? You look sad,” pag-aalalang tanong ko. Umiling siya at ngumiti. “Hindi na naman ito mauulit. Dito ka na lang umuwi, anak,” pakiusap ni Mom. Naguluhan ako sa una niyang sinabi. Ano ang hindi mauulit? “Ano’ng ibig mong sabihin Mom?” litong tanong ko. Hindi naman ganito si Mommy kapag kausap ko sa phone pero ngayon ibang iba siya. “Kasi..pagkatapos nito hindi ka na naman uuwi dito. Hindi na naman kita makakasama. Pwede ka naman dito tumira habang nagtatrabaho ka. Please anak,” pagmamakaawa ni Mommy. Parang may sumipa sa puso ko at bigla akong nasaktan. Lalo na nang makita ko ang takas na luha sa mga mata ni Mommy. Lahat ng pangungulit niya sa’kin umuwi lang ako ay binalewala ko. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto no’n. Mas pinili ko ang magsarili at maging indipendent. Bumili ako ng sarili kong bahay na hindi humihingi sa kanila kahit na mahirap ang trabaho ko. Lalo na kung sabayan pa ng mga haters at bashers ko. Never akong lumapit sa kanila kasi gusto kong manindigan sa desisyon ko. Pero ngayon para akong binagsakan ng malaking bato. Pakiramdam ko pinagtatabuyan ko si Mommy palagi. Tuwing tinatawagan niya ako madalas kong pinapatay ang tawag niya. Dahil busy ako. Damn it! Iyon ang palagi kong rason. Wala naman siyang ibang hiniling kundi ang makasama ako. She’s my mother pero parang hindi ko pinaparamdam sa kaniya ‘yon. She needs me at hindi ko binibigay ‘yon. Samantalang ako ay lagi nilang binibigay at sinusuportahan ang gusto ko. Maliit lang ito kung tutuusin sa lahat ng sakripisyo at pag-aalaga nila sa’kin. Alam ko ring busy palagi si Dad sa work kaya madalas mag-isa lang si Mommy dito sa bahay at nagi-guilty ako dahil doon. Pinunasan ni Mom ang lumandas na luha ko. Lalo akong napaiyak ng dumampi ang malambot at mainit niyang kamay sa pisngi ko. “Sorry Mommy! I’m so sorry. Makasarili ako. Masyado akong tumutok sa career ko at napabayaan ko na kayo. I’m sorry mom,” pagsusumamo ko. Hindi ko na napigilan ang humikbi at niyakap siya ng mahigpit. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Dad at Kara. Lumapit sila sa’min. Bumitaw ako sa pagkakayakap at tiningnan sila Mommy, Daddy at Kara. “Dito na po ako ulit titira Dad,Mom,” nakangiting sabi ko. Kahit na patuloy ang pag-agos ng luha ko. Kahit mukha na akong tanga dahil umiiyak ako ng nakangiti. Kahit pa masira ang inaalagaan kong eye lashes wala na akong pakialam. Nagliwanag ang mga mukha nila. “Masaya kami ng Mommy mo,ija,” sabi ni Dad. Sabay nila akong niyakap. I feel warm dahil sa yakap nila sa’kin. “Bongga! Palagi ng masarap ang mga pagkain tuwing dinner. Diyos ko nangangayayat ako sa bahay ni Saycie puro kasi no carbs ang food ng lola mo!” pabirong sabi ni Kara. Natawa kaming lahat dahil sa sinabi niya. Sa gitna ba naman ng iyakan bigla siyang hihirit ng ganyan. Baklang ‘to! “Sempre super model yata ang best friend mo dapat pati rin ang P.A. niya,” sagot ko. At umasim naman ang mukha niya. “Support kita Girl sa lahat ng ginagawa mo pero huwag mo akong idamay damay sa diet mo dahil gutumin akong tao. Tignan mo nga ang face ko malapit na ako magmukhang bungo. Bakla ka!” pabirong maktol niya. Hindi ko na napigilang tumawa ng malakas. Ang buong sala ay maingay dahil sa tawanan namin. “Pero bakit gustong gusto mo mag-gym? Kung ayaw mo pala mag-diet?” tukso ko. “Tumatambay lang ako doon dahil maganda ang mga tanawin. Maraming burol at mga malalaking bato,” inosente niyang sagot. Naguluhan ako sa sinabi niya kaya kumunot ang noo ko. “Burol? Malalaking bato? Sa gym? Nag-aadik ka ba Kara?” tanong ko. “Ayan kasi puro no carbs ang kinakain mo kaya pati utak mo wala ng nutrients! Ibig kong sabihin sa burol ay mga abs! At ang malalaking bato ay ang mga nagtitigasan nilang mga muscles. Kaloka ka!” bulalas niya. Napabuga ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Grabe ang baklang ito. Kaya naman pala kapag nasa gym ako ay gusto pa niya magtagal kami. Iba naman pala ang pakay niya. Pati sina Daddy at Mommy hindi na rin maka-get over sa kakatawa. Masarap kasama si Kara dahil napapagaan niya talaga ang environment. Kung ako lang siguro mag-isa ay hindi ko kakayanin ng wala siya. At ngayon na titira na ulit ako dito sa bahay sempre kasama pa rin siya. Every weekend naman ang off niya kaya nakakauwi siya sa kanila. ** Matapos ang masayang kwentuhan at panonood, nagpasiya na kaming umakyat pa makapagpahinga na. Si Kara ay doon sa bakanteng kwarto. “Kara saan ka pupunta?” tanong ko. Tinignan niya lang ako at dumiretso ng kusina. Pagbalik niya ay may dala ng mangkok ng buko salad. Napailing na lang ako habang si Mommy ay natutuwa pa kay Kara. “Papakin ka sana ng langgam!” asar ko sa kaniya. “Keri lang basta ba ang mga langgam na ‘yon ay sina Piolo Pascual, Brad Pitt at Joseph Marco ano!” pagmamalaki niyang sagot. “Ang mga langgam na bagay sa’yo ay sina Long, Dagul at si Jobert,” asar ko sa kaniya. Lumaki ang butas ng ilong niya at nameywang sa harap ko. “Tita tignan mo itong anak mo oh? Porke magagandang lalaki ang nagkakandarapa sa kaniya masiyado niyang minamaliit ang beauty ko. Pwede ko ba siya sabunutan tita? Gusto ko sa kili-kili niya sana,” sabi ni Kara. “Umakyat ka na nga. Good night, sweet nightmare,” asar ko sa kaniya. “Tsee!” sabi niya at mabilis na tumalikod. Padabog na umakyat patungong kwarto. Napailing na lang kami sabay tawa. Sumunod na rin kami umakyat sa taas. Nagulat pa si Mom at kasabay nila ako pumasok ng kwarto nila. Nauna ng humiga si Dad. Ngumiti ako sa kanila. “Pwede po ba na dito muna ako matulog?” paglalambing ko at lumapad ang ngiti nila. “Come here,” nakangiting aya sa akin ni Dad sabay tapik sa kama. Malaki ang kama, isang king size bed. Kaya kasyang-kasya kami. Naalala ko pa noon dito ako natutulog sa kanila kapag malakas ang kulog at kumikidlat. Hindi ako makatulog sa kwarto ko kaya dito ako natutulog. Malaki man ang pinagbago ng kwartong ito dahil pina-renovate na pero ang mga ala-ala rito ay sariwa pa rin. Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko ‘yong mga kaduwagan ko dati. At kahit na humiwalay na ako ng tirahan takot pa rin ako sa kulog at kidlat. Si Kara ang katabi ko sa kama kapag ganoon. Pero kapag nagkataong wala siya ay pinapapunta ko siya sa bahay. Alam na niya kung bakit. Nagpapasalamat ako kasi best friend to the rest cue talaga ang baklang ‘yon. I refuse to call mom o umuwi dito dahil na rin sa pride ko. Kahit pa sobrang takot ako ay tinitiis ko. At si Karla lang ang tinatakbuhan ko. Sa gitna ako pumwesto. Humiga na rin si Mommy at niyakap nila ako pareho. “Turn off the light, Dad,” sabi ko. Nagulat pa siya at gano’n din si Mom. “Hindi ka na takot matulog kapag patay ang ilaw?” takang tanong ni Dad. Umiling ako at saka ngumiti. “Nasanay na ako Dad,” tipid kong sagot. Sinanay ko ang sarili ko pero sa kulog at kidlat hindi ko kaya. Pinatay niya ang ilaw at saka bumalik sa pagkakayakap sa’kin. Mabilis akong nakatulog at iyon na ata ang pinakamasarap na tulog ko. Tahimik, panatag at mahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD