Chapter 52 - Officially Engaged

2638 Words

Chapter 52 *Saycie* Dumagundong ang puso ko sa lakas ng t***k nang nakita kong pinihit ni Zack ang doorknob ng kwarto ko. Napalunok ako ng sunod-sunod nang humakbang siya papasok sa kwarto. Sumunod agad ako sa kaniya. Agad kong nilapitan si Angelo na umiiyak. Pilit siyang inaalo ni Mommy. Zack look at me. Pinapanood niya ang kilos ko. Pinapanood niya ang ginagawa ko kay Angelo. Si Mommy ay sinabihan kong magpahinga na rin. Tumango siya at ngumiti pa kay Zack. Pero si Zack ay seryoso ang mukha habang nakatunghay sa aming mag-ina. “Mommy’s here,” bulong ko kay Angelo. Nagising siya dahil wala ako sa tabi niya at gusto dumide. Kaya kahit nasa harap ko si Zack at nanunuod ay pinadede ko si Angelo. Tinignan ko pa si Zack habang tinatapik ang hita ni Angelo para bumalik ulit sa pagkakatulog

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD