Chapter 53 - Possessive

2330 Words

Chapter 53 *Saycie* Nagising akong ako na lang mag-isa sa kama. Napabalikwas ako ng bangon dahil wala si Angelo sa tabi ko. Wala rin si Zack. Nagmadali akong lumabas ng kwarto. Habang nasa hagdanan ay pinupusod ko ang buhok ko. Pagkababa ay agad kong hinanap si Zack. Kasama niya kaya si Angelo? Saan pumunta ang dalawang ‘yon? Tumungo ako sa kusina pero wala sila. Anong oras na ba? Nilingon ko sa sala ang orasan at nakita kong alas onse na ng umaga?! Wala pang dede si Angelo. Napahilamos ako sa mukha at hinanap si Mommy. Umakyat ako sa taas kung saan ang kwarto nila at pagbukas ko ay wala rin. Dali-dali akong tumungo sa kwarto ni Kara. Pagbukas ko ay wala ring tao. Nasaan ang mga tao? Lumabas ako at sa garden naghanap. Wala akong mahanap kahit sino. Nagsimula na akong matakot at kabahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD