Chapter 35 *Saycie* Pumasok muna kami sa department store ng Mall. Dumiretso kami sa helera ng mga damit panlalaki. I got excited dahil ang daming magaganda at bagay na bagay kay Zack. Katuwang ko si Kara sa pamimili ng mga damit. Si Zack ay tahimik lang. Kapag may ipapakita ako sa kaniya ay umiiling siya. “Huwag na ‘yan. Masiyadong mahal,” wika niya. “Kailangan mo ‘to, Zack,” wika ko at agad ‘yong nilagay sa basket namin. Dinampot niya ‘yon at binalik kung saan nakasalansan kanina. “Ang dami mo ng kinukuha. Hindi ko naman masusuot lahat ‘yan,” wika niya. Kinuha niya pa ang iba at binalik. “Sayang ang pera, Saycie. Dapat sa importanteng bagay lang nilalaan,” dagdag niya pa. Alam ko ang pinupunto niya at natutuwa akong marinig ‘yon. Pero kasi, minsan lang naman siya mabilhan at hind

