Chapter 34 *Saycie* Lumabas ako ng kwarto at hindi na hinintay pa si Zack. Dala ko rin ang shoulder bag ko at ni-check ko kung nasa loob na ba ang wallet and credit cards ko. Nasa loob na rin ang phone ko kaya wala ng problema. Muntik ko pang makalimutan ang susi ng kotse ko. Pagkasara ng pinto sa kwarto ko ay siya namang labas ni Zack sa guess room. Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo pero ang puso ko ay tila bumagal ang pagtibok dahil sa pagkamangha sa kaniya. Pinagmasdan niya ang suot ko at napangiti siya. Hindi ko maiwasan ang sariling puriin siya sa simpleng suot niya. Ganito pala ang itsura niya kapag nakabihis. Nag-ahit din siya ng balbas niya kaya ang linis ng mukha niya. He is wearing black polo-shirt na isa lang ang nakabutones sa taas at ang isa ay hinayaang nakabukas. Fit

