Chapter 49 *Saycie* Mahigpit ang hawak ko sa maleta habang buhat si Angelo. Kinakabahan ako bawat hakbang ng mga paa ko palabas ng airport. Nang makarating kami sa labas ay nag-abang ako ng taxi. Kahit sa pagpara ay kinakabahan pa rin ako. Mabuti na lang at binigyan ako ni Jason ng cash. Kaya may pamasahe ako pang-uwi. Agad naman kaming nakasakay sa taxi. Mabuti na lang at hindi matagal dahil dama ko na ang init dito sa Pilipinas. Kaya agad ding pinagpawisan si Angelo. Ang mga building na nadaraanan namin ay gano’n pa rin. Wala pa ring pinagbago. Ito pa rin ang bansang kinalakhan ko. Sinabi ko lang sa driver ng taxi kung saan. Hindi naman siya nagtanong at nagmaneho na lang. Habang nakikita ko ang bawat lugar na nadaraanan namin patungo sa bahay ay palakas nang palakas ang t***k ng pus

