"ANO?!" nanggagalaiting sigaw ni Maria. "Papaanong nakatakas si Monticello sa inyo?!" Napatingin sa akin si Hya. "Pagdating namin sa ospital ay wala na siya." "Wala kang dapat ipag-alala, Maria. We will find that Monticello," dagdag ko. Lumingon siya sa akin na masama ang tinging pinupukol. Who wouldn't feel that way? Hindi ko lang naman nagawa ang trabahong binigay sa akin. At alam naming lahat na nagpapalakas siya kay Prince Keiv. "Nanay mo ang kapalit ng misyong ito, Rose Ann. Baka nakakalimutan mong kaya kong patayin siya sa isang iglap." Kumuyom ang kamao ko at humakbang palapit sa kaniya pero agad akong hinarang ni Hyacinth. I know Maria well. She's crazy over Prince Keiv. Gamahan din siya sa pera kaya kahit anong iutos sa kaniya ay susundin niya ito kapalit ng pera at kapang

